Ang kilala, makilala o kilalanin ay may ibig sabihing alamin, malaman, mapag-alaman kung sino ang isang tao. May kaugnayan din ito sa talusin (kognisyon), mata…
Ang kilala, makilala o kilalanin ay may ibig sabihing alamin, malaman, mapag-alaman kung sino ang isang tao. May kaugnayan din ito sa talusin (kognisyon), matalos, mabatid, mapagtanto, mapantasan, matarok, mawatasan, matalastasan, matatap, madalumat, o kaya madama kung sino o ano talaga ang isang tao o katauhan nito. Maaari rin itong "pagtanggap sa isang bagay bilang katotohanan" o "maging marunong sa pag-gawa ng isang bagay." Kaugnay din ito ng pariralang "makita ang pagkakaiba" ng dalawang bagay, halimbawa ang alin ang mabuti o masama. Kasingkahulugan din ito ng maging pamilyar, o magkaroon ng kamalayan.[1] May kinalaman din ang salitang kilala sa pagiging isang tao na tangi, magiting, bantog, tanyag (sa bayan) o kinakatigan (ng bayan), o kaya isang taong pinagkakatiwalaan.[2] Sa Bibliya, may pakahulugan ang nakilala, ayon sa pagsasalinwika, bilang "sumiping".[3]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.