Kansi

Ang kansi ay isang Pilipinong sabaw na karne ng baka. Ginagawa ito mula sa bulalo ng baka at utak ng buto na pinakuluan hanggang maging malahelatina. Bahagya it

Kansi
Kansi
Kansi sa Bacolod, Negros Occidental
KursoUlam
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaKanlurang Kabisayaan
Ihain nangMainit

Ang kansi ay isang Pilipinong sabaw na karne ng baka. Ginagawa ito mula sa bulalo ng baka at utak ng buto na pinakuluan hanggang maging malahelatina. Bahagya itong pinaaasim gamit ang mga prutas tulad ng batwan o kamias. Karaniwang niluluto ang kansi kasama ng hilaw na rimas o langka, tanglad, kamatis, bawang, sibuyas, patis, at siling haba o siling labuyo. Karaniwang kulay kahel ang sabaw dahil sa paggamit ng mga buto ng atsuwete. Nagmula ang kansi sa Iloilo at kalaunan ay kumalat sa buong rehiyon ng Kanlurang Visayas. Tinatawag din itong sinigang na bulalo sa mga rehiyon ng mga Tagalog, dahil sa pagkakatulad nito sa sinigang at bulalo.[1][2][3][4][5]

sa sa mga pinakasikat na restorang naghahain ng kansi sa rehiyon ng Kanlurang Visayas ay ang Pat-Pat's Kansi, na itinatag noong 1999 sa Jaro, Lungsod ng Iloilo.[6] Isinama ang kansi bilang isa sa mga tampok na putahe nang italaga ang Iloilo bilang kauna-unahang Malikhaing Lungsod ng Gastronomiya ng UNESCO sa Pilipinas.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Thomas, Amanda. "A Fusion of Flavors: How to Make Bacolod City's Famous 'Kansi'" [Pagsasama ng mga Lasa: Paano Gumawa ng Sikat na 'Kansi' ng Lungsod ng Bacolod]. Balay.ph. Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
  2. Heussaff, Erwan (Setyembre 18, 2018). "Greater Philippines: Ilonggo Soup Hunt" [Gran Pilipinas: Paghahanap sa Sabaw ng Ilonggo]. The Fat Kid Inside (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 23, 2019. Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
  3. "Bacolod City's Famous Kansi Recipe" [Sikat na Resipi ng Kansi sa Lungsod ng Bacolod]. Centrale Bacolod (sa wikang Ingles). Marso 12, 2013. Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
  4. Reyes, Gladys (Hulyo 31, 2014). "Ilonggo Food: Bacolod Cansi Recipe" [Pagkain ng Ilonggo: Resipi ng Cansi sa Bacolod]. Experience Negros (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 23, 2019.
  5. Joven, Eduardo (Hulyo 19, 2022). "Authentic Kansi Recipe" [Tunay na Resipi ng Kansi]. Pinoy Recipe At Iba Pa (sa wikang Ingles). Nakuha noong Setyembre 12, 2022.
  6. Miranda, Pauline (1 Agosto 2018). "Have you tried the bulalo-sinigang hybrid at Pat-Pat's Kansi?" [Nasubukan mo na ba ang hibridong bulalo-sinigang sa Pat-Pat’s Kansi?]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Disyembre 2025.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.