Kalipato

Ang isang kalipato o khilāfah (Arabe: خِلَافَة, bigkas sa Arabe: [xi'laːfah]) ay isang institusyon o tanggapang publiko na pinamamahalaanan ng is

Ang isang kalipato o khilāfah (Arabe: خِلَافَة, bigkas sa Arabe: [xi'laːfah]) ay isang institusyon o tanggapang publiko na pinamamahalaanan ng isang teritoryo sa ilalim ng pamumunong Islamiko.[1] Tinatawag na kalipa ( /ˈkælɪf,_ˈkʔ/; Arabe: خَلِيفَة bigkas sa Arabe: [xæ'liː'fæh], bigkas) ang taong namumuno sa tanggapang ito at tinuturing politiko-relihiyosong humalili sa propetang Islamikong na si Muhammad at isang pinuno ng buong mundong Muslim (Ummah).[2] Sa kasaysayan, pampolitika ang mga kalipato na umunlad sa imperyong multi-etnikong trans-nasyunal.[3][4]

Etimolohiya

Bago dumating ang Islam, tradisyunal na ginagamit ng monarkong Arabe ang titulong malik (Hari, namumuno), o iba pa mula sa parehong ugat.[2]

Hinango ang katawagang caliph ( /ˈklɪf,_ˈkælɪf/),[5] mula sa salitang Arabe na khalīfah (خَليفة, pronunciation), na nangangahulugang "kahalili", "katiwala", o "diputado" at itinuring sa tradisyon bilang ang pagpapaikli ng Khalīfat Rasūl Allāh ("kahalili ng sugo ng Diyos"). Bagaman, iminungkahi ng mga pag-aaral ng tekstong pre-Islamiko na ang orihinal na kahulugan ng parilala ay "kahalili na pinili ng Diyos."[2]

Kasaysayan

Ang kalipa ay ang pinuno ng estado sa isang Kalipato at ang pamagat ng pinuno ng Islamikong Ummah na isang pamayanang Islamiko na pinamamahalaan ng Shariah. Pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad noong 632 CE, ang mga maagang pinuno ng bansang Muslim ay tinatawag na Khalifat Rasul Allah na mga kahaliling pampolitika ng sugo ng Diyos na si Muhammad. Ang isang kalipa ay maaaring isang babaeng kalipa o ang asawa o biyudad ng isang kalipa. May isang pagkakataon sa kasaysayan na ang kalipa ay namuno sa kalipata na si Sitt al-Mulk na rehente ng Kalipatang Fatimid mula 1021 hanggang 1023.

Mga sanggunian

  1. Al Qalqashandi Ma'athir al-inafah fi ma'alim al-khilafah qtd. in Hassan, Mona. “Conceptualizing the Caliphate, 632–1517 CE.” Longing for the Lost Caliphate: A Transregional History, Princeton University Press, 2016, pp. 98–141, http://www.jstor.org/stable/j.ctt1q1xrgm.9 (sa Ingles)
  2. 2.0 2.1 2.2 Kadi, Wadad; Shahin, Aram A. (2013). "Caliph, caliphate". The Princeton Encyclopedia of Islamic Political Thought (sa wikang Ingles): 81–86.
  3. Al-Rasheed, Madawi; Kersten, Carool; Shterin, Marat (2012). Demystifying the Caliphate: Historical Memory and Contemporary Contexts (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 3. ISBN 978-0-19-932795-9.
  4. Ringmar, Erik (2020). 4. The Muslim Caliphates. OBP collection (sa wikang Ingles). Open Book Publishers. pp. 73–100. ISBN 978-1-78374-024-6. Nakuha noong 2022-04-07.
  5. "calif". Random House Webster's Unabridged Dictionary (sa Ingles).

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.