Julia Chinn ( c. 1790 – Hulyo 1833) ay isang Amerikanong tagapamahala ng plantasyon at aliping babae na may "halo-halong lahi" (isang " octoroon " na ma
Julia Chinn ( c. 1790 – Hulyo 1833) ay isang Amerikanong tagapamahala ng plantasyon at aliping babae na may "halo-halong lahi" (isang " octoroon " na may pitong-ikawalong lahing Europeo at ika-walong lahing Aprikano), na siyang kinakasama ng ika-siyam na bise presidente ng Estados Unidos, si Richard Mentor Johnson.
Ipinanganak si Chinn sa Scott County, Kentucky, sa isang babaeng pag-aari ng pamilyang Johnson. Ang eksaktong petsa ng kaniyang kapanganakan ay hindi tiyak, ayon sa mananalaysay na si Amrita Myers, kahit na inilagay ito ng pamilya Johnson noong taong 1790. Gayunpaman, itinala rin ni Myers na "sinabi ng mga dating alipin ng mga Johnson na labinlima o labing-anim pa lamang si Julia noong ipinanganak ang kanyang unang anak na babae". Maaaring ang taon ng kaniyang kapanganakan ay 1796 o 1797. [1] Kinikilala na siya ay pinalaki at pinag-aral sa tahanan ng kanyang tagapag-alipin, si Richard Mentor Johnson, ng kanyang ina, si Jemima Suggett Johnson. [2] Ayon sa mananalaysay na si Christina Snyder, Ayon sa kwento ang pangalan ng ina ni Chinn ay Henrietta, na isang alipin din ng pamilyang Johnson. [3]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.