Maria Jessica Aspiras Soho ( ; ipinanganak noong Marso 27, 1964) ay isang Pilipinong mamamahayag sa radyo na kaakibat ng GMA Network . Siya ay ang host ng
Maria Jessica Aspiras Soho ( ; ipinanganak noong Marso 27, 1964) ay isang Pilipinong mamamahayag sa radyo na kaakibat ng GMA Network . Siya ay ang host ng programang pang-balita na Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA, at naging mamamahayag para sa State of the Nation sa GMA News TV (ngayon ay GTV ) mula 2011 hanggang 2021.
Si Soho ay isang mamamahayag na may maraming parangal. [1] Noong 1998, si Soho ang naging unang Pilipinong manalo ng British Fleet Street Award for Journalism. [2] Noong 1999, nakatanggap si Soho at ang kaniyang pangkat ng I-Witness ang unang Peabody Award ng Pilipinas para sa paggawa ng mga dokumentaryong "Kidneys for Sale" at "Kamao". [3] Ang krisis sa hostage sa Cagayan Valley ni Soho ang naging siyang dahilan kung bakit siya ay ang unang Pilipinong nanalo sa New York Film Festival . [4]
Ipinanganak si Maria Jessica Aspiras Soho noong Marso 27, 1964, sa San Fernando, La Union, Pilipinas. [5] [6] Ang kanyang mga magulang ay sina Abelardo Soho, ang kaniyang ama ay isang empleyado ng gobyerno, at an kaniyang ina naman ay si Maura Aspiras, isang magsasaka. [1] Ang mga lola ni Soho, sina Sixta "Apo Ittang" Aspiras at Concepción "Cion" Soho, ang siyang dahilan sa kahilian ni Soho sa pagkukuwento . Siya ay may lahing Cantonese sa pamamagitan ng kanyang lolo sa ama na may apelyidong Szeto (司徒; kalaunan ay bininyagan bilang "Pedro Szeto" o "Pedro Soho"), na lumipat sa Pilipinas mula sa Kaiping County, Guangdong, Tsina, noong unang bahagi ng ika-20 siglo. [1] [7]
Si Soho ay pumasok sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman upang mag-aral ng komunikasyong masa. Isa sa kanyang mga propesor ay si Luis Beltran, na pingamulan n inspirasyon para kay Soho na tapusin ang kanyang pag-aaral at magsanay ng propesyon pamamahayag sa Maynila . [8]
Given the numerous awards she has received over the years, many people would consider Jessica to be an exceptional storyteller.Maling banggit (Invalid na
<ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "treasures" na may iba't ibang nilalaman); $2
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.