Si Irena Stanisława Sendler (Krzyżanowska), na tinatawag ding Irena Sendlerowa sa Polonya, nom de guerre "Jolanta" (15 Pebrero 1910 – 12 Mayo 2008)[1], ay isang Polakang empermera (nars) at social worker na naglingkod sa Polish Underground sa Barsobya sa ilalim ng mga Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at naging pinuno ng seksyong pang-kabataan ng Żegota[2][3], ang Konsehong Polako sa Pag-alalay ng mga Hudyo (Polako: Rada Pomocy Żydom), na naging aktibo mula 1942 hanggang 1945.
Sa tulong ng higit pang dalawang dosenang mga kasapi ng Żegota, naitakas pa ni Sendler ang higit-kumulang na mga kabataang Hudyo palabas mula sa Geto ng Barsobya at binigyan sila ng mgapalsipikadong dokumento ng pagkakakilanlan at binigyan ng mga tahanan sa labas ng mga geto, na nagligtas sa mga kabataang iyon mula sa pagkapughaw (holocaust)[4]. Kabilang ang eksepsyon ng mga diplomatikong nagbigay ng mga visa upang makalaya ang Hudyo mula sa Europa na sakop ng mga Nazi, nagligtas si Sendler ng mga Hudyo nang higit pa sa ibang indibidwal noong Pagkapuhaw[5].
Natuklasan din ng mga mananakop na Aleman ang kanyang mga gawa at siya ay pinadakip ng Gestapo, pinahirapan nang labis, at binigyang parusa ng kamatayan, ngunit nagawa niyang tumakas mula sa naturang parusa at nabuhay noong panahon ng digmaan. Noong 1965, kinilala si Sendler ng Estado ng Israel bilang Matuwid sa mga Bansa (Righteous among the Nations). Pagkatapos ay ginawaran siya ng Order of the White Eagle, ang pinakamataas na pagbibigay-dangal sa Polonya, para sa kanyang mga kawanggawa pantao noong panahon ng digmaan.
Talambuhay
Ipinanganak si Irena Sendler bilang Irena Krzyżanowska noong ika-15 ng Pebrero 1910 sa Otwock, malapit sa Barsobya,[6] kay Dr. Stanisław Krzyżanowski, isang manggagamot at sa asawa nitong si Janina.[7] Namatay ang kanyang ama sa sakit na tipus noong Pebrero 1917 dahil sa pagkahawa nito sa mga pasyenteng ginagamot.[8] Pagkatapos ng kamatayan, nagbigay-alok ang komunidad ng mga Hudyo sa kanyang ina na bayaran ang edukasyon ni Sendler, baga ma't tinanggihan ng kanyang ina ang tulong.[7] Nag-aral si Sendler ng Panitikang Polako sa Pamantasan ng Barsobya, at sumali sa Partidong Sosyalistang Polako.[7] Mariin siyang sumalungat sa sistemang ghetto bench (Polako: getto ławkowe) na umiral sa ibang mga pamantasang Polako bago ang digmaan at dinungisan ang kanyang grade card. Bilang resulta ng protestang pampubliko, isinuspinde siya mula sa Pamantasan ng Barsobya sa loob ng 3 taon.[9]
Pinakasalan niya si Mieczysław Sendler noong 1931,[7] ngunit nag-diborsyo sila noong 1947.[10] Pinakasalan naman niya si Stefan Zgrzembski, isang kaibigang Hudyo noon pa sa pamantasan nila, at nagkaroon sila ng mga anak; si Janina, Andrzej (na namatay noong kapanganakan), at si Adam (na namatay sa sakit sa puso noong 1999). Noong 1959 ay diniborsyo niya si Zgrzembski at pinakasalang muli ang kanyang unang asawang si Mieczysław Sendler; ngunit sila ay nag-diborsyo muli.[11]
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Nagtungo si Sendler sa Barsobya bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at nag-trabaho para sa gawaing pangkawanggawang pang-munisipal.[7] Nagsimula siyang tumulong sa mga Hudyo pagkatapos ang pananakop ng mga Aleman noong 1939,[7] sa pamamagitan ng pamumuno ng isang pangkat ng mga katrabaho na lumikha ng higit-kumulang na 3,000 palsipikadong dokumento upang tulungan ang mga mag-anak na Hudyo.[12] Naisagawa ang ganitong uri ng gawain nang may napakataas na panganib — simula pa noong Oktubre 1941 — sa pagbibigay ng ano mang uri ng tulong sa mga Hudyo sa Polonya na nasa ilalim ng mga Aleman ay may kaparusahang kamatayan, hindi lang sa tao na nagbibigay ng tulong kundi para sa kanilang buong mag-anak o tahanan. Ang Polonya ang tanging sinakop ng Alemanya sa Europa na kung saan nagpataw ng parusang kamatayan.[13]
Noong Agosto 1943, si Sendler, na kinilala na noon sa kanyang nom de guerre na "Jolanta" ay hinirang ng Żegota, isang organisasyon sa ilalim ng kalupaan na kilala rin bilang Konseho sa Pag-alalay ng mga Hudyo (Council to Aid Jews), upang pamunuan ang seksyong pang-kabataan ng mga Hudyo[12]. Bilang empleyado ng Sangay ng Kapakanang Panlipunan, nagkaroon siya ng natatanging pahintulot sa pagpasok sa Geto ng Barsobya upang tingnan ang ano mang palatandaan ng tipus, ang sakit na kinatatakutan ng mga Aleman na maaaring kumalat sa labas ng geto.[14] Sa mga pagdalaw niya, isinuot niya ang Bituin ni David bilang tanda ng kanyang pagkakaisa sa mamamayang Hudyo.[6] Sa ilalim ng pagpapanggap ng pagsasagawa ng inspeksyon ng kalagayang pang-kalinisan sa loob ng Geto, nagtakas sila Sendler at mga ka-trabaho niya ng mga sanggol at batang paslit, minsan sa mga ambulansya at bagon (munting sasakyang panghakot), minsan ay sa parsela, bagahe at maging sa toolbox, at gumamit ng iba pang mga pamamaraan.[15]
Dinala ang mga kabataang Hudyo sa mga pamilyang Polako, sa bahay-ampunang Polako Sisters of the Family of Mary, o sa mga Romano Katolikong kumbento katulad ng Little Sister Servants of the Blessed Virgin Mary Conceived Immaculate (Mga Munting Madreng Tagapaglingkod ng Pinagpalang Birheng Mariang Pinaglihi nang Walang Dungis).[16] Maiging nakipag-kawangga si Sendler sa isang pangkat na binubuo ng halos 30 boluntaryo, karamihan ay mga kababaihan, na kabilang sila Zofia Kossak-Szczucka, isang magiting at manunulat sa pagsalungat, Matylda Getter, ang madre provincial ng Franciscan Sisters of the Family of Mary (Mga Madreng Pransiskano ng Pamilya ni Maria).[17]
"Ang bawat batang naligtas sa aking tulong ay ang pagbibigay-pantay ng aking pamumuhay sa daigidig na ito, at hindi isang titulo sa pagka-luwalhati." (Irena Sendler)
Ayon sa Amerikanang mananalaysay na si Debórah Dwork, si Sendler ang naging "inspirasyon at pangunahing puwersang tagapag-galaw para sa kabuuan ng kawing na nagligtas sa 2,500 kabataang iyon."[18] Halos 400 sa mga kabataan ang mga naitakas mismo ni Sendler.[18] Inilibing niya at ng kanyang mga ka-trabaho ang talaan ng mga kabataang itinago sa mga banga upang masubaybayan ang kanilang mga pangunahin at bagong pagkakakilanlan. Layunin niyon ang ibalik ang mga kabataan sa kanilang mga tunay na mag-anak kapag natapos na ang digmaan.[9]
Noong 1943 ay ipinadakip si Sendler ng Gestapo at labis siyang pinahirapan. Malupita siyang ipinabugbog, na ikinatamo niya ng praktura at bali sa kanyang mga paa at hita. Sa kabila noon, tumanggi siyang ipagkanulo ang sino man sa kanyang mga kasamahan o mga kabataang nailigtas niya, kaya hinatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagpapaputok sa kanya. Nailigtas naman ang buhay niya ni Żegota sa pamamagitan ng pagbigay ng suhol sa mga bantay bago pa dumating ang paghatol sa kanya.[6] Pagkatapos ng kanyang pagtakas, nagtago siya mula sa mga Aleman, at bumalik sa Barsobya sa ilalim ng di-totoong pangalan at nagpatuloy sa kanyang kabilangan kasama ni Żegota.[7] Noong nagaganap ang Pag-aalsa sa Barsobya, nag-trabaho siya bilang nars sa isang pampublikong ospital, kung saan itinago niya ang limang Hudyo.[7] Nagpatuloy siyang nag-trabaho bilang empermera hanggang sa lisanin ng mga Aleman ang Barsobya, bago ang pag-abante ng hukbong Sobyet.[7]
Pagkatapos ng digmaan, pinagtipon-tipon niya at ng kanyang mga ka-trabaho ang talaan ng mga kabataan at mga pinagtaguan ng mga kabataang Hudyo at ibinigay ang mga iyon sa kasama nila sa Żegota na si Adolf Berman at sa tauhan sa Komite Sentral para sa mga Polakong Hudyo. Subalit, halos lahat ng mga magulang ng mga kabataan ay pinatay sa Kampong Lupulan ng Treblinka (Treblinka Extermination Camp) o tuluyang nawala.[6][7]
Komunistang Polonya
Pagkatapos ng digmaan, ipinakulong si Sendler mula 1948-1949 at malupit siyang tinanong ng lihim ng kapulisang komunista (Urząd Bezpieczeństwa) dahil sa kanyang ugnayan sa pangunahing organisasyon sa pagtutol ng Polonya, ang Home Army (AK), na tapat sa Desteradong Pamahalaan ng Polonya noong panahon ng digmaan.[19][20] At dahil doon, naging maaga ang pagluwal niya sa kanyang anak na si Andrzej, na hindi nabuhay.[7][8][19] Bagama't pinalaya rin siya at umayong sumali sa komunistang partido,[21] ang kanyang ugnayan sa (AK) ay nangahulugang hindi siya gagawing isang bayani.[8][19] Ang katotohanan, nang kilalanin si Sendler ni Yad Vashem bilang isa sa mga Polakong Makatuwiran sa mga Nasyon noong 1965,[6] hindi siya pinayagan ng komunistang pamahalaan ng Polonya na mag-ibayong-dagat noong panahong natanggap niya ang gantimpala sa Israel; nagawa lamang niya iyon noong 1983.[7][22]
Matapos, siya ay naging tagapagturo at pangalawang direktor sa iba't ibang paaralang pang-medisina sa Barsobya, at nagtrabaho para sa Ministeryo ng Edukasyon at Kalusugan.[20][23] Naging aktibo rin siya sa mga programang pangkawanggawa . Tumulong siya sa pagsasa-ayos ng ilang mga bahay-ampunan at mga sentrong pangkalinga para sa mga kabataan, mga mag-anak at matatanda, pati na rin sa isang sentro para sa mga taong bayarán sa Henryków.[20] Ngunit napilitan siyang umalis doon nang maaga para sa kanyang mga pampublikong pagpapahayag ng kanyang suporta para sa Israel sa Digmaang Arabe-Israeli (ang mga bansang kontrolado ng Sobyet na Silangang Bloke (Eastern Bloc), kabilang ang Polonya, ay pinatlangan ang kanilang relasyong diplomatiko sa Israel pagkatapos ng digmaang ito) noong 1967.[7] Umalis si Sendler mula sa kanyang pagiging kasapi ng PZPR kasunod ng mga kaganapan noong Marso 1968.[19][21]
Nanirahan si Irena Sendler sa Barsobya sa nalalabing buhay niya. Namatay siya noong ika-12 ng Mayo 2008 at inilibing siya sa Libingan ng Powązki sa Barsobya.[15][21][24][25]
Noong 1991, ginawang onoraryong mamayan ng Israel si Sendler.[6] Noong ika-12 ng Hunyo 1996, ginantimpalaan siya ng Commander's Cross ng Orden ng Polonya Restituta.[27][28] Nakatanggap pa siya ng higit na mataas na anyo ng gantimpalang iyon, ang Commander's Cross na mayroon Bituin noong ika-7 ng Nobyembre 2001.[29]
Ganoon pa man, nanatiling di-kilala sa mundo ang mga natamo ni Sendlern hanggang noong 1999, nang ang mga mag-aaral sa isang mataas na paaralan sa Uniontown, Kansas, kasama ang kanilang tagapagturong si Norman Conrad, ay nagsagawa ng isang dula batay sa kanilang pagsasaliksik ng buhay ni Sendler, na pinamagatan nilang Life in a Jar (Buhay sa isang Banga). Nagtamo ito ng pambihirang tagumpay, na itinanghal nang halos 200 ulit sa Estados Unidos at sa ibang bansa, at malinaw na lalong nagbigay-kilanlan sa pagsasa-publiko ng kasaysayan ni Sendler sa maraming panig ng daigdig.[7][8][19][21][30] Noong Marso 2002, inihirap ng Templo ng B’nai Jehudah ng Lungsod ng Kansas kay Sendler, kayla Conrad at mga estudyante nagsagawa ng dula ang taunang paggawad ng gantimpalang “para sa mga ambag na nagawa para sa pagligtas ng daigdig” (Gantimpalang Tikkun Olam).[31] Hinango ang dula para sa palabas pantelebisyon na The Courageous Heart of Irena Sendler (2009), sa ilalim ng direksyon ni John Kent Harrison, kung saan ginampanan ni Anna Paquin ang papel ni Sendler.[32][33][34]
↑"Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-26. Nakuha noong 2019-08-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Mordecai Paldiel "Churches and the Holocaust: unholy teaching, good samaritans, and reconciliation" pp. 209–10, KTAV Publishing House, Inc., 2006, ISBN 978-0-88125-908-7
↑ 19.019.119.219.319.4"THE 614th Commandment Society". Aktualności. Irena Sendler ambasadorem Polski - cz.2. The614thcs.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Mayo 2015. Nakuha noong 27 Abril 2015. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Louette Harding (1 Agosto 2008). "Irena Sendler: a Holocaust heroine". The Daily Mail online, Associated Newspapers. Nakuha noong 8 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑.P. 1996 nr 58 poz. 538Naka-arkibo 2016-01-26 sa Wayback Machine., citation: "za pełną poświęcenia i ofiarności postawę w niesienui pomocy dzieciom żydowskim oraz za działalnośċ spoleczną i zawodową"
This article needs additional citations for verification. Please help improve this article by adding citations to reliable sources. Unsourced material may be challenged and removed.Find sources: List of unclassified miscellaneous vessels of the United States Navy – news · newspapers · books · scholar · JSTOR (November 2017) (Learn how and when to remove this template message) Ships of the United States NavyShips in current service Current ships Ships g...
Олександр БезсмертнихОлександр Андрійович Безсмертних Загальна інформаціяГромадянство РосіяНародження 15 вересня 1986(1986-09-15) (37 років)Кемеровська областьЗріст 182 смВага 78 кгСпортКраїна Російська ФедераціяВид спорту лижні перегони Участь і здобутки Безсмер...
Pintura de George Caleb Bingham de la Orden General No 11. En esta famosa obra, el general Thomas Ewing está sentado sobre un caballo mirando a los Red Legs (Ver más abajo) La Orden General No. 11 es el título de una directiva del Ejército de la Unión emitida durante la Guerra de Secesión estadounidense el 25 de agosto de 1863, que obligaba a la evacuación de áreas rurales en cuatro condados en el oeste de Misuri. La orden, emitida por el general de la Unión Thomas Ewing, Jr., afect...
حضارة الخزف المحزَّمCorded Ware cultureالمعطياتالنطاق الجغرافيأوروباالفترةالعصر النحاسي الأوروبيتواريخحوالي 2900 ق.م– 2350 ق.ميسبقهاحضارة القدور القمعيةيليهاحضارة القدور الجرسية عصر نحاسيEneolithic، AeneolithicCopper Ageهذا الصندوق: اعرضناقشعدل ↑ عصر حجري ↑ عصر حجري حديث الشرق الأدنى القديم ن
English clergyman and politician This article is about the clergyman. For other people named Stephen Gardiner, see Stephen Gardiner (disambiguation). The Right ReverendStephen GardinerBishop of WinchesterPortrait by Quentin MatsysChurchRoman Catholic / Church of EnglandProvinceCanterburyDioceseWinchesterIn office1531–1551, 1553–1555Other post(s)Lord ChancellorMaster of Trinity Hall, CambridgeOrdersConsecration3 December 1531Personal detailsBorn(1483-07-27)27 July 1483Bury St EdmundsDied12...
Pembagian dari Skala waktu geologi Bulan : Pra-Nektarium - Nektarium - Imbrium Awal - Imbrium Akhir - Eratostenium - Kopernikum Kawah Eratosthenes Eratostenium merupakan suatu periode pada skala waktu geologi bulan. Periode ini dinamai bedasarkan Kawah Eratosthenes[1], yang terbentuk pada periode ini. Periode ini dimulai pada 3.2 miliar tahun lalu, hingga 1.1 miliar tahun lalu. Pada periode ini, Vulkanisme basaltik di Bulan perlahan berhenti. Pada skala waktu geologi Bumi, Eratos...
الحرب التركية–الأرمينية جزء من حرب الاستقلال التركية مدنيون أرمن يفرون من كارس بعد الاستيلاء عليها من قبل قوات كاظم كارابكر. معلومات عامة التاريخ 24 سبتمبر – 23 ديسمبر 1920 الموقع جنوب القوقاز النتيجة انتصار تركيا والاتحاد السوفييتي تغييراتحدودية تقسيم الأراضي الأرمينية ب...
Чемпіонат світу з дзюдо 2022 Чоловіки Жінки до 60 кг до 48 кг до 66 кг до 52 кг до 73 кг до 57 кг до 81 кг до 63 кг до 90 кг до 70 кг до 100 кг до 78 кг + 100 кг + 78 кг Змішана команда Докладніше: Чемпіонат світу з дзюдо 2022 Змагання серед чоловіків у ваговій категорії до 81 кг на Чем...
Human settlement in EnglandSingletonSingleton Park GatehouseSingletonShown within Fylde BoroughShow map of the Borough of FyldeSingletonShown within the FyldeShow map of the FyldeSingletonLocation within LancashireShow map of LancashirePopulation889 (2011 Census)OS grid referenceSD380382Civil parishSingletonDistrictFyldeShire countyLancashireRegionNorth WestCountryEnglandSovereign stateUnited KingdomPost townPOULTON-LE-FYLDEPostcode districtFY6Dialling code0...
Canadian politician (born 1979) The HonourablePierre PoilievrePC MPPoilievre in 2023Leader of the OppositionIncumbentAssumed office September 10, 2022DeputyMelissa LantsmanTim UppalPreceded byCandice BergenLeader of the Conservative PartyIncumbentAssumed office September 10, 2022DeputyMelissa LantsmanTim UppalPreceded byCandice Bergen (interim)Minister of Employment and Social DevelopmentIn officeFebruary 9, 2015 – November 4, 2015Prime MinisterStephen HarperPreceded by...
2008 novel by Michael Swanwick The Dragons of Babel First editionAuthorMichael SwanwickCover artistStephan MartiniereCountryUnited StatesLanguageEnglishGenreScience fantasyPublisherTor BooksPublication dateJanuary 2008Media typePrint (Hardback)Pages320ISBN0-7653-1950-0 (hardcover)OCLC156818846Dewey Decimal813/.54 22LC ClassPS3569.W28 D73 2008 The Dragons of Babel is a 2008 science fantasy novel by American author Michael Swanwick, set in the same world as his earlier work The I...
German aircraft pilots (1910s–1990s) The Horten brothers: Walter (left) and Reimar (right) Walter Horten (born 13 November 1913 in Bonn; died 9 December 1998 in Baden-Baden, Germany) and Reimar Horten (born 12 March 1915 in Bonn; died 14 March 1994 in Villa General Belgrano, Argentina), sometimes credited as the Horten Brothers, were German aircraft pilots. Walter was a fighter pilot on the Western Front, flying a Bf 109 for Jagdgeschwader 26 in the first six months of World War II; he even...
Kuala JambiKecamatanNegara IndonesiaProvinsiJambiKabupatenTanjung Jabung TimurPemerintahan • CamatTaufiq Kurniawan S.STP.Populasi • Total- jiwaKode Kemendagri15.07.08 Kode BPS1506033 Desa/kelurahan4/2 Arca Hindu di kampung Tanjung Solok, Kuala Jambi Kuala Jambi adalah sebuah kecamatan di Kabupaten Tanjung Jabung Timur, Jambi, Indonesia. Desa/Kelurahan Kampung Laut Tanjungsolok Kuala Lagan Majelis Hidayah Manunggal Makmur Teluk Majelis lbsKecamatan Kuala Jambi, Kab...
Albanian football club Football clubAAS FCFull nameAlbanian Ajax SchoolFounded20 August 2012; 11 years ago (2012-08-20)Dissolved10 September 2022; 14 months ago (2022-09-10), merged with FK KukësiGroundKompleksi Sportive Albanian Ajax School, Shkodër, AlbaniaCapacity500ChairmanArben HaveriLeagueWomen's National Championship2017–18Women's National Championship, 6th Home colours Away colours Albanian Ajax School is a sports academy located in Shkodër, Al...
183rd Paratroopers Division CicloneActive1943Country Kingdom of ItalyBranch Royal Italian ArmyTypeInfantryRoleAirborneSizeDivisionEngagementsWorld War IIInsigniaIdentificationsymbol Ciclone Division gorget patchesMilitary unit 183rd Paratroopers Division Ciclone (Italian: 183ª Divisione paracadutisti Ciclone) was a short-lived airborne division of the Royal Italian Army during World War II. The Ciclone began to form in summer 1943 at the Parachute School in Viterbo and by the end o...
Maltese singer Julie Zahra Julie Ann Zahra (born 1982 in Malta)[1] is a Maltese politician and singer who represented Malta in the Eurovision Song Contest in Istanbul, Turkey, in May 2004. As part of the duo Julie & Ludwig, their song On Again... Off Again qualified for the final and came 12th[2] out of 36 countries competing. Zahra was also the spokesperson for Malta at the 2015 Contest. Zahra is a classically trained singer who has been actively involved in music from a ...
Use of more than one buffer to hold a block of dataThis article has multiple issues. Please help improve it or discuss these issues on the talk page. (Learn how and when to remove these template messages) This article needs additional citations for verification. Please help improve this article by adding citations to reliable sources. Unsourced material may be challenged and removed.Find sources: Multiple buffering – news · newspapers · books · scholar ...
Модель «Sunbeam 14/40 Tourer» 1926 года: 14 н. л. с., фактическая мощность мотора — 40 л. с. Налоговая лошадиная сила (н. л. с., англ. Tax horsepower) — одна из первых по порядку появления характеристик двигателя автомобиля с точки зрения налогообложения в некоторых европейских стра...