Intsik

Ang Intsik ay salitang Tagalog na katunog ng salitang Hokkien na in-chek (Tsino: 引叔; Pe̍h-ōe-jī: ín-chek[1], "kanyang tiyuhin").[2&#

Ang Intsik ay salitang Tagalog na katunog ng salitang Hokkien na in-chek (Tsino: ; Pe̍h-ōe-jī: ín-chek[1], "kanyang tiyuhin").[2] Unang ginagamit ang salita noong panahon ng Kastila sa Pilipinas upang ipakilala ang isang baguhang tao mula sa Tsina.[2] Noong ika-19 na dantaon, matatagpuan ang unang reprerensya ng salita sa dokumentong nagngangalang Manual del Cabeza de Barangay na sinulat ni Rafael Moreno y Diez noong 1874.[3]

May mga tao na mula sa Tsina o may bahagi ng kanilang lahi ay mula sa Tsina ang nagsasabing nakakasakit o opensibo ang salita.[4][5] Bagaman, hindi ito nakakasakit noong unang ginamit noong panahon ng mga Kastila.[3] Hinihinalang nagkaroon ito ng masamang kahulugan dahil sa katagang "Intsik beho, tulo laway" na tumtutukoy sa mga matatandang Intsik na parokyano ng mga pugad ng opyo sa Binondo na tumutulo ang laway habang tuliro.[2][3] Dagdag pa dito, ang salitang Intsik ay katunog ng salitang Ingles na insect.[2] Ang salitang balbal na Tsekwa na mula sa Hokkien na "chek goa kang" (ang kaniyang tiyuhin, nagtratrabaho ako) ay nakikitang mas opensibo.[2] Ngunit hindi lahat ay nakikitang opensibo ang mga katagang Intsik o Tsekwa.[2][3]

Ang ibang pang tawag sa mga tao mula sa Tsina o may bahagi ng kanilang lahi na mula sa Tsina noong panahon ng Kastila sa Pilipinas ay Sangley, Mestizo de Sangley at Chino.[2] Sa makabagong panahon, ang Chino ay naging Tsino.[2] Ang mga may bahagyang may lahing Tsino o Tsinong ipinanganak sa Pilipinas ay tinatawag na Chinoy o Tsinoy.[5] Ang katawagang Tsino ay tinuturing din ng ilan bilang bahagyang opensibo.[3]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Chu, Richard T. (2012). Chinese and Chinese Mestizos of Manila: Family, Identity, and Culture, 1860s-1930s. BRILL. p. 1. ISBN 978-90-474-2685-1.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 Ocampo, Ambeth R. (2020-08-19). "Reclaiming 'Intsik'". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Cabreza, Vincent (2014-01-31). "Is 'Intsik' a racial slur? Chinese-Filipino prof in US says it's not". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-21.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  4. Tan, Michael L. (2011-01-28). "Intsik". www.pressreader.com (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 2020-10-21.
  5. 5.0 5.1 Chow, Chino (2020-04-29). "Chow: Intsik? Tsekwa? Chinoy!". Sunstar (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-22. Nakuha noong 2020-10-21.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.