Ang instinto[1] o likas na udyok[2] ay ang pangalang ginagamit ng sikolohista sa isang pag-uugaling natututunan, na ikinasasanhi ng mga pangyaya
Ang instinto[1] o likas na udyok[2] ay ang pangalang ginagamit ng sikolohista sa isang pag-uugaling natututunan, na ikinasasanhi ng mga pangyayari sa loob o labas ng katawan ng isang hayop at nagpapatuloy bagaman natapos o nawala na ang orihinal na estimulo. Tinatawag din itong "pakiramdam" o "pang-amoy", sa malawak na kahulugan.[3] Karaniwan itong kinauugnayan ng masalimuot na mga serye o magkakasunod na mga gawain.[4]
Maraming mga uri ng hayop na gumagawa ng mga bagay-bagay alinsunod sa kanilang pakiramdam o pang-amoy o instinto.[4]
Sa mga tao, halos imposibleng makatagpo ng mga halimbawa ng ugaling batay lamang sa pakiramdam o instinto. Bagaman may mga mamamayang nagsasabi na "may instinto at lapitin sa basag-ulo o pakikipag-away ang mga babatang lalaki; samantalang may instinto at pakiramdam ang mga batang babae sa pagpapanggap bilang ina ng isang manika." Pinaniniwalaang natututunan ang mga ito ng mga batang lalaki at babae mula sa pagmamasid sa ibang tao.[4]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.