| Hunyango Chameleon | |
|---|---|
| Chamaeleonidae | |
| Pag-uuring siyentipiko | |
| Kaharian: | Animalia |
| Pilo: | Chordata |
| Klase: | Reptilia |
| Orden: | Squamata |
| Suborden: | Iguania |
| Klado: | Acrodonta |
| Pamilya: | Chamaeleonidae Rafinesque, 1815 |
| Genera | |
| Native range of Chamaeleonidae | |
Ang hunyango o hinyango[1] (Ingles: chameleon) ay isa sa mga higit na kilalang mga uri ng maliliit na mga butiking kabilang sa pamilyang Chamaeleonidae (mga iskwamata) na may kakayahang magbago ng kulay.[2] Sa katawagan nito sa Ingles, nanggaling ang salitang chameleon mula sa isina-Latinong (Latinisado) anyo ng Sinaunang Griyegong χαμαιλέων (khamaileon), mula sa χαμαί (khamai) "nasa lupa, nasa ibabaw ng lupa" at λέων (leon) "liyon", at bilang pagsasalin ng Akkadian na nēš qaqqari, "liyong panglupa" o "liyong-lupa".[3] Mayroon silang mga madirikit na dila na napapahaba hanggang sa dalawang ulit ng haba ng kanilang mga katawan, at ginagamit sa panghuli ng mga pagkain nilang kulisap. Napapagalaw nila sa magkaibang direksiyon ang bawat isa sa kanilang mga mata.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.