Ang hele o oyayi ay isang uri ng tula o awiting pampapawi na para sa mga bata o kahit sa mga matatanda. Ang layunin ng hele ay magkakaiba. Kadalasang ginagami…

Ang hele o oyayi ay isang uri ng tula o awiting pampapawi na para sa mga bata o kahit sa mga matatanda. Ang layunin ng hele ay magkakaiba. Kadalasang ginagamit ito ng mga ina sa kanilang mga anak upang libangin sila at turuan. Ginagamit din ito para sa papatulog sa kanila.[1] Sa ibang lipunan, ginagamit ito upang ipasa ang mga kaalamang pang-kalinangan o tradisyon. Karagdagan pa nito, kadalasang ginagamit ang hele para sa pag-unlad ng kasanayang pakikipagtalastasan, hudyat ng hangad ng damdamin, pagpapanatili ng walang kahati pansin ng sanggol, paghina ng pagpukaw ng mga sanggol, at pag-sasaayos ng mga gawi.[2] Dahil ginagamit ito sa pagpapatulog sa mga sanggol, ang musika ay kadalasang payak at paulit-ulit. Matatagpuan ang mga hele sa maraming mga bansa, at mayroon na noong pang lumang panahon.[3]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.