Ang harem (Arabe: حريم ḥarīm, "isang sagradong hindi mababagabag na lugar; babaeng kaanib ng mag-anak"),[1][2] ay tumutukoy sa mga domest

Ang harem (Arabe: حريم ḥarīm, "isang sagradong hindi mababagabag na lugar; babaeng kaanib ng mag-anak"),[1][2] ay tumutukoy sa mga domestikong espasyo na nakalaan para sa mga kababaihan ng isang bahay ng isang mag-anak na Muslim.[3][4][5] Nagmula ang harem sa salitang Arabeng harim na may ibig sabihing "bawal" o "ipinagbabawal".[6] Maaari ring tumukoy ang harem sa mismong mga babaeng nakatira sa isang tahanang Muslim o silid ng mga babae.[7] Tradisyunal na inuunawa ang pribadong espasyo na ito bilang pagsasakatuparan ng mga layunin ng pagpapanatili ng kapakumbabaan, pribilehiyo, at protesksyon ng kababaihan. Maaring tumira sa isang harem ang asawang babae ng isang lalaki — o mga asawa at kerida, tulad ng mga makaharing harem ng nakaraan — ang kanilang anak na lalaki na hindi pa nagbibinata, mga anak na babaeng na di pa kasal, mga babaeng kasambahay, at ibang mga babaeng kamag-anak na di kasal. Noong unang panahon, binabantayan ng mga bating o eunuch na pinapayagan sa loob.
Sa tradisyunal na arkitekturang pantirahang Persiyano, ang mga silid ng mga babae ay kilala sa tawag na andaruni, at sa subkontinente Indiyano bilang zenana.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.