Halimaw

Ang isang halimaw (Ingles: monster, Brunei Malay: raksasa) ay isang uri ng nilalang na kathang-isip na matatagpuan sa katatakutan, pantasya, kathang-isip na pan

Ang isang halimaw (Ingles: monster, Brunei Malay: raksasa) ay isang uri ng nilalang na kathang-isip na matatagpuan sa katatakutan, pantasya, kathang-isip na pang-agham, tradisyong-pambayan, mitolohiya, at relihiyon. Kadalasang sinasalarawan ang mga halimaw bilang mapanganib at agresibo at may kakaiba at nakakatakot na itsura na nagdudulot ng kilabot at pangamba. Kadalasang napakapangit nila na labas sa mundong ito at/o mutanteng hayop o kakaibang nilalang ng iba't iba ang hugis, subalit maari din itong mag-anyong tao, tulad ng mga mutante, aswang, espiritu, sombi o kanibal, bukod pa sa iba pang anyo. Maaring mayroon o walang kapangyarihang sobrenatural, subalit kadalasang may kakayahan silang pumatay o magdulot ng ilang anyo ng pagwasak, na binabantaan ang kaayusang lipunan o moral ng mundo ng tao.

Ang konsepto ng halimaw ay bago pa ng nakatalang kasaysayan, at ang akademikong pag-aaral ng partikular na pangkalinangang paniwala sa ideya ng halimaw ng isang lipunan ay kilala sa katawagang Ingles na monstrophy.[1] Lumilitaw ang mga halimaw sa panitikan at sa mga pelikula. Kabilang sa mga kilalang halimaw sa piksiyon sina Conde Dracula at halimaw ni Frankenstein, gayon din ang mga taong lobo, bampira, momya (o mummy), at sombi.

Mga sanggunian

  1. "Call for Papers for Preternature 2.2" (sa wikang Ingles). Dr Leo Ruickbie. 28 Nobyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Disyembre 2017. Nakuha noong 30 Disyembre 2017.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.