Halamanan

Ang isang halamanan ay isang binalak na puwang na kadalasang nasa labas, na isinantabi para sa paglilinang, pagpapakita, at kasiyahan ng mga halaman at ibang an

Halamanan
Isang halamanan na may puno at damo
Nag-iisang halamanang pang-halmanan sa Maynila, Mehan Garden
tingnan ang kapsyon
Isang seksyon ng Halamanang Botaniko ng Brooklyn na may kulay rosas na Prunus 'Kanzan' na punong seresa

Ang isang halamanan ay isang binalak na puwang na kadalasang nasa labas, na isinantabi para sa paglilinang, pagpapakita, at kasiyahan ng mga halaman at ibang anyo ng kalikasan. "Pangangasiwa" ang nag-iisang katangian pantukoy kahit sa pinaka-ilang na halamanang ilang. Maaring isama sa halamanan ang parehong mga materyal na likas o di-likas.[1]

Kadalasang may mga tampok na kaanyuan[a] ang mga halamanan kabilang ang istatwa, kapritso, pergola, sala-sala, mga putol na kahoy, tuyong sapin ng sapa, at mga katampukan ng tubig tulad ng mga puwente, dagat-dagatan (mayroon o walang isda), talon, o sapa. May ilang halamanan na pampalamuti lamang, habang may iba naman ang nag-aani ng pananim na pagkain, minsan sa hiwalay na lugar, o nakahalo minsan sa mga halamang pampalamuti. Ipinagkakaiba ang mga halamanan nakakapagbigay ng pagkain sa mga bukid ayon sa kanilang mas maliit na sukat, mas matrabahong kaparaanan, at kanilang layunin (kasiyahan ng isang kinagigiliwang libangan o sariling kabuhayan sa halip ng ibenta ang mga inani tulad ng isang palengkeng halamanan). Ipinagsasama ng mga halamanang pambulaklak ang mga halaman na may iba't ibang taas, kulay, yari, at amoy upang lumikha ng pagpukaw at galak sa pakiramdam.[2]

Ang pinakakaraniwang anyo ay ang mga halamanang pambahay o publiko, subalit ang katawagang "halamanan" ay kalimitang nagiging pangkalahatan. Dating tinatawag ang mga zoo, na ipinapakita ang mga hayop mula sa ilang sa naka-simulasyong mga tirahang likas sa kanila, bilang mga halamanang soolohiko.[3][4]

Ang arkitekturang pantanawin ay isang kaugnay na gawaing pampropesyon ng mga arkitektong pantanawin na humihilig na makisali sa disenyo sa maraming kalakihan at manggagawa sa parehong mga proyektong pampubliko at pampribado.[5]

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. "Garden". Cambridge Dictionary (sa wikang Ingles) (ika-Online na (na) labas). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2022. Nakuha noong 21 Agosto 2022.
  2. Anguelovski, Isabelle. "Urban gardening" (sa wikang Ingles).
  3. Turner, Tom (1 Setyembre 2005). Garden History: Philosophy and Design 2000 BC – 2000 AD (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 978-1-134-37082-5. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 August 2022. Nakuha noong 8 Disyembre 2021.
  4. Klindienst, Patricia (2006). The Earth Knows My Name: Food, Culture, and Sustainability in the Gardens of Ethnic Americans (sa wikang Ingles). Beacon Press. ISBN 978-0-8070-8562-2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-28. Nakuha noong 2021-12-08.
  5. Fusco, Dana (2001). "Creating relevant science through urban planning and gardening". Journal of Research in Science Teaching (sa wikang Ingles). 38 (8). Wiley Online Library: 860–877. Bibcode:2001JRScT..38..860F. doi:10.1002/tea.1036.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.