Si Hadad (Ugaritiko 𐎅𐎄𐎆 Haddu) ay isang Semitikong Panghilaga-kanlurang diyos ng bagyo at ng ulan, na may kaugnayan ang pangalan at ang pinagmulan ng s
Si Hadad (Ugaritiko 𐎅𐎄𐎆 Haddu) ay isang Semitikong Panghilaga-kanlurang diyos ng bagyo at ng ulan, na may kaugnayan ang pangalan at ang pinagmulan ng salita sa Akkadianong (Asiryo-Babilonyano) diyos na si Adad. Madalas na tinatawag si Hadad bilang Baʿal (Panginoon), subalit ang pamagat na ito ay ginagamit din para sa ibang mga diyos. Ang toro ay ang pansagisag na hayop para kay Hadad. Lumilitaw siyang may balbas,[1][2] na kadalasang may hawak na pamalo at kidlat habang nakasuot ng isang palamuti sa ulo na mayroong sungay ng toro.[3][4] Ipinapantay si Hadad sa Anatolianong diyos ng bagyo na si Teshub; sa Ehipsiyong diyos na si Set; sa Griyegong diyos na si Zeus; at sa Romanong diyos na si Hupiter, bilang si Jupiter Dolichenus.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.