Ang gimbap (Koreano: 김밥; lit. Gim kanin; IPA: [kim.p͈ap̚]) o kimbap, ay isang putaheng Koreano na gawa sa kanin, gulay, isda, at ka
Mga hiwa ng ginimbap na gulay | |
| Lugar | Korea |
|---|---|
| Pangunahing Sangkap | Gim, bap |
| Baryasyon | Chungmu-gimbap, samgak-gimbap |
| |
| Pangalang Koreano | |
| Hangul | 김밥 |
|---|---|
| Revised Romanization | gimbap |
| McCune–Reischauer | kimbap |
Ang gimbap (Koreano: 김밥; lit. Gim kanin; IPA: [kim.p͈ap̚]) o kimbap, ay isang putaheng Koreano na gawa sa kanin, gulay, isda, at karne na inilulon sa loob ng gim—pinatuyong damong-dagat—at inihahain sa mga kagat-laking piraso.[1] Pinagdedebatihan ang pinagmulan ng gimbap. Inimumungkahi ng ilang sanggunian na hango ito sa norimaki ng mga Hapones, na ipinakilala noong pamamahalang kolonyal ng mga Hapones,[2][3][4][5] habang iginigiit naman ng iba[sinong nagsabi?] na isa itong modernisadong bersiyon ng bokssam mula sa panahong Joseon.[6]
Madalas na ibinabaon itong putahe bilang bahagi ng dosirak, na kakainin sa mga piknik at panlabas na mga kaganapan, o bilang magaan na tanghalian, na sinasabayan ng danmuji o kimchi. Itineteykawt ito ng marami sa Timog Korea at ibang bansa[7] at kilala ito bilang kombinyenteng pagkain dahil madali itong bitbitin.
Tumutukoy ang gim (김) sa nakakain na damong-dagat sa genus Porphyra at Pyropia. Tumutukoy naman ang bap (밥) sa sinaing. Isang neolohismo ang salitang tambalan na gimbap; noong ika-20 siglo lamang ito naging bahagi ng wikang Koreano. Noong panahong Joseon (1392–1897), mayroong kahawig na pagkain, inilulong kanin at gim, na tinatawag na bokssam (복쌈; 福-).[8][9]
Ginamit ang salitang gimbap sa isang artikulo sa diyaryong Koreano noong 1935[10] ngunit sa panahong iyon, ginagamit din ang norimaki, isang salitang hiram. Hango sa pangalan ng isang kahawig na putaheng Hapones, ang salitang norimaki ay bahagi ng bokabularyong Hapones na pumasok sa wikang Koreano noong pananakop ng mga Hapones (1910–1945). Nagamit ang dalawang salita nang halinhinan hanggang ginawang unibseral o tanging salita ang gimbap, bilang bahagi ng pagsisikap na alisin ang mga labi ng kolonyalismong Hapones at dalisayin ang wikang Koreano.[11]
Gim at bap ang dalawang pangunahing sangkap ng gimbap. Habang pinakakaraniwan ang paggamit ng maikling butil na puting kanin, maaari ring gamitin ang maikling butil na pinawa, itim na kanin, o iba pang butil.[kailangan ng sanggunian]
Kabilang sa mga baryante ng gimbap ang keso, maanghang na nilutong pusit, kimchi, nilutong karne, dongaseu, pimyento, o maanghang na tuna. Maaaring pahiran ang gim ng langis ng linga o budburan ng linga. Sa isang baryasyon, maaaring ibadbad ang mga hiwa ng gimbap sa itlog at prituhin, para makain ang lumang gimbap.[kailangan ng sanggunian]
Iba-iba ang mga palaman, kadalasang may opsiyong pambehetaryano at pambegano.[12] Kabilang sa mga sikat na sangkap ang danmuji (dilaw na atsarang labanos), hamon, baka, krab istik, piraso ng itlog, kimchi, bulgogi, espinaka, karot, ugat ng burdock, pipino, de-latang tuna, o kkaennip (dahon ng perilya).[13][14]
Sinimulan ang prosesong ito noong panahon ng pananakop ng mga Hapones (1910-1945), kung kailan sumikat ang Kanluraning pagkain at inumin, kagaya ng tinapay, konpeksiyoneri, at bir sa mga lungsod ng Korea, at nagsimula ang industriya ng pagproseso ng Kanluraning pagkain. Naging bahagi rin ng lutuing Koreano ang ilang pagkaing Hapones noong panahong iyon, kagaya ng tosirak (ang samu't saring baunan) at sushi na inilulon sa loob ng mga pilyego ng damong-dagat, na naging sikat sa Korea sa pangalang kimbap. (Isinalin mula sa Ingles)
En Corea, los gimbaps son derivados de los maki sushis japoneses, pero generalmente estan rellenos de arroz con aceite de sesamo y carne.[Sa Korea, hango ang mga gimbap sa Hapones na maki sushi, ngunit kadalasang pinapalamanan ang mga ito ng kanin, langis ng linga at karne.]
일본음식 김초밥에서 유래된 것으로[Hango (ang gimbap) sa norimaki ng mga Hapones]
일본 음식인 김초밥 에서 유래 한 것으로[Hango (ang gimbap) sa Hapones na norimaki]
문어 점복에 김밥을 싸먹고 목욕한후 바위등에 누으면 얼화만수——
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.