Ang Exchangeable image file (pinaikli bilang Exif o EXIF ayon sa mga pagtutukoy ng JEIDA/JEITA/CIPA) ay isang karaniwang format para sa mga talaksan ng mga imah
Ang Exchangeable image file (pinaikli bilang Exif o EXIF ayon sa mga pagtutukoy ng JEIDA/JEITA/CIPA) ay isang karaniwang format para sa mga talaksan ng mga imahe, boses, at iba pang mga karagdagan na tag na ginagamit ng kamerang digital (kabilang ang smartphone), scanner, at iba pang mga sistema na may kaugnayan sa pag-record ng imahe at tunog sa pamamagitan ng mga kamerang digital. Ang pagtutukoy ay gumagamit ng umiiral na format ng talaksan na may partikular na mga tag ng metadatos: JPEG discrete cosine transform (DCT)[1] para sa mga naka-compress na mga talaksan ng imahe, TIFF[2] Rev. 6.0 (RGB o YCbCr) para sa mga hindi naka-compress na mga talaksan ng imahe, at RIFF[3] WAV para sa mga talaksan ng mga tunog (Linear PCM [4] o ITU-T G.711 μ-Law PCM para sa mga hindi naka-compress na mga datos ng tunog at IMA[5]-ADPCM[6] para sa mga naka-compress na mga datos ng tunog).[7] Ang pagtutukoy na ito ay hindi suportado sa JPEG 2000, PNG[8], o GIF[9].
Ang Japan Electronic Industries Development Association (JEIDA) ay gumawa ng unang kahulugan ng Exif. Ang 2.1 na bersyon ng pagtutukoy ay may petsang Hunyo 12, 1998. Ang Japan Electronics and Information Technology Industries Association (JEITA) ay gumawa ng Exif Version 2.2 (kilala bilang Exif Print) noong Pebrero 20, 2002 at inilabas noong Abril 2002.[10] Ang bersyon 2.21 (na sumusuporta sa Adobe RGB Adobe RGB) ay nakumpleto noong Hulyo 11, 2003, ngunit inilabas noong Setyembre 2003 kasunod ng paglabas ng DCF 2.0. Ang pinakabagong bersyon (2.3) ay inilabas noong ika-26 ng Abril 2010, at binago sa bersyong 2.31 noong Hulyo 2013 at binago sa bersyong 2.32 noong Mayo 17, 2019, ay ang resulta ng pakikipagtulungan sa JEITA at Camera & Imaging Products Association (CIPA). Sa ngayon, ang Exif ay sinusuportahan ng halos lahat ng mga tagagawa ng kamera.

Ang mga etiketa ng metadatos na tinukoy sa pamantayang Exif ay sumasaklaw sa isang malawak na espektro:
{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.