Estakte

Ang estakte[1][2][3] (Ingles: stacte) ay isang uri ng mabangong sahing na nakukuha sa punungkahoy. Ginagamit ito sa paggawa ng mga insen

Ang estakte[1][2][3] (Ingles: stacte) ay isang uri ng mabangong sahing na nakukuha sa punungkahoy. Ginagamit ito sa paggawa ng mga insenso.

Etimolohiya

Nagmula ang salitang estakte sa στακτή o staktḗ ng Griyego. Tinatawag din itong nataph, na nagmula naman sa nataf ng Ebreo. Ito ang mga katawagan sa mga sangkap na tinatalakay sa Exodus 30:34. Magkakaiba ang pagbabatay ng pagsasalin ng mga salitang ito mula sa terminong Griyegong (AMP: Exodus 30:34) o sa isang hindi matukoy na gum resin o kahawig na (NIV: Exodus 30:34): subalit dapat na ihalo ang estakte sa magkakatimbang na mga bahagi kasama ng unya (inihanda mula sa mga kabibe ng suso), galbanum at purong kamanyang. Gagawing pinong pulbos ang mga pinaghalong ito para sa pagsusunog ng mga insenso sa altar ng tabernakulo.

Itinuring na para sa mga banal na gawain lamang ang insensong ito upang purihin si Yahweh; pinaparusahan ang mali at masamang paggamit nito sa pamamagitan ng pagpapalayas, batay sa nasusulat sa Exodus 30:34–38 (KJV).

Hindi ganap na malinaw kung saan nagmula ang halamang nataf. Pinaniniwalaang ito ang mira ng pinakamataas na uri, ang dagta o resin ng Styrax officinalis (tingnan din ang benzoin resin), o maging ang storax, ang resin ng Turkish Sweetgum (Liquidambar orientalis).[4]

Tingnan din

Sanggunian

Talababa

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Estakte, Exodo 30:34". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. "Exodus 30:34, estacte". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-09. Nakuha noong 2008-06-30.
  3. Spices: stacte
  4. Encyclopedia Britannica (1911), ISBE (1915), Bible Encyclopedia.net (2007)

Bibliyograpiya

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.