Ang isang eponimo ay isang tao, lugar, o bagay na kanino o kaninuman ang isang tao o isang bagay ay, o pinaniniwalaang, pinangalanan. Ang mga pang-uri na nagmul
Ang isang eponimo ay isang tao, lugar, o bagay na kanino o kaninuman ang isang tao o isang bagay ay, o pinaniniwalaang, pinangalanan. Ang mga pang-uri na nagmula sa eponimo ay eponimiko.
Ginagamit ang salita sa iba't ibang paraan. Sa pinakamadalas na binabanggit na kahulugan, ang isang eponimo,[1][2] ay isang tao, lugar, o bagay kung saan ipinangalan ito sa kung anuman. Sa ganitong paraan, si Isabel I ng Inglatera ay ang eponimo ng panahong Isabelino. Kung tinutukoy si Henry Ford bilang "ang eponimong tagapagtatag ng Ford Motor Company", sa gayon, maaring tawaging eponimo si Henry Ford mismo, o ang kanyang pangalang "Ford." Maari din tumutukoy ang katawagan sa isang malikhaing gawa na ipinangalan sa isang kathang-isip na karakter (na siya rin ang titulong karakter, tulad ng kay Rocky Balboa ng seryeng pampelikulang Rocky), o sa mga gawang ipinangalan sa mga lumikha nito (tulad ng album na The Doors, na gawa ng bandang The Doors, na tinatawag din bilang isang sariling-titulong album).[3][4][5][6]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.