Ang emoji ( /ᵻˈmoʊdʒiː/ i-MOH-jee) ay isang pictograma, logograma, ideograma o smiley na nakabaon sa teksto at ginagamit sa mga elektronikong mensahe at m


Ang emoji ( /ᵻˈmoʊdʒiː/ i-MOH-jee) ay isang pictograma, logograma, ideograma o smiley na nakabaon sa teksto at ginagamit sa mga elektronikong mensahe at mga webpage. Nagpapahiwatig ang emoji ng damdamin na nawawala kapag nakapanulat ang usapan.[1] Kabilang sa mga halimbawa ng emoji ang 😂, 😃, 🧘🏻♂️, 🌍, 🌦️, 🥖, 🚗, 📱, 🎉, ❤️, ✅, and 🏁. Maraming umiiral na genre ng emoji, katulad ng mga ekspresyon ng mukha, mga karaniwang bagay, mga lugar at uri ng panahon, at mga hayop. Kahawig nito ang mga emoticon, ngunit mga larawan ang emoji sa halip na mga tipograpikang aproksimasyon; sa mahigpit na kahulugan, tumutukoy ang salitang "emoji" sa mga larawan na maaaring isagisag bilang mga kodipikadong karakter, ngunit tumutukoy rin ito minsan sa mga messaging sticker kung palalawakin pa.[2] Dati nangngangahulugang pictograpiya, nagmula ang salitang emoji sa Hapones na e (絵, 'larawan') + moji (文字, 'karakter'); nagkataon lang na magkahawig ito sa mga salitang Ingles na emotion at emoticon.[3] Zsye ang ISO 15924 script code para sa emoji.
Nagmula sa mga selpong Hapones noong 1997, sumikat nang sumikat ang emoji sa buong mundo noong dekada 2010 pagkatapos idagdag sa ilang mga mobile operating system.[4][5][6] Ngayon, kinokonsidera silang malaking bahagi ng kalinangang tanyag sa Kanluran at sa buong mundo.[7][8] Noong 2015, pinanganlang salita ng taon ang emojing Face with Tears of Joy o Mukhang Naluluha sa Galak (😂) ng Oxford Dictionaries.[9][10]
Kasunod ng emoticon ang Hapones na "emoji", na DIGITAL icon na ginagamit din upang ihayag ang damdamin, ngunit mas sopistikado batay sa paglalarawan kumpara sa mga nabubuo sa pagpindot ng tutuldok na sinusundan ng panaklong. Binubuo ang "emoji" ng Hapones para sa "larawan" ("e") at "karakter" ("moji"), kaya partikular na nakakatuwang koinsidensiya ang pagkakahawig nito sa emotion at emoticon.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.