Ang Emerson ay isang pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Joseph Blumenthal. Noong 1930, pinutol ang tipo ni Louis Hoell sa Bauer Type Foundry sa Frankfurt
| Kategorya | Serif |
|---|---|
| Mga nagdisenyo | Joseph Blumenthal |
| Foundry | Monotype Corporation |
| Petsa ng pagkalabas | 1935 |
| Mga baryasyon | Pilipit |
Ang Emerson ay isang pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo ni Joseph Blumenthal. Noong 1930, pinutol ang tipo ni Louis Hoell sa Bauer Type Foundry sa Frankfurt at pinangalang Spiral. Pagkatapos, noong n 1935, pinutol muli ni Stanley Morison ang tipo, kasama ang italiko, para sa Monotype Corporation sa Inglatera. Unang lumabas ang pamilya ng tipo ng titik sa isang natatanging, pribadong-peryodikong edisyon ng sanaysay ni Ralph Waldo Emerson na Nature, at sa gayon, ang bersyong Monotype ay naging kilala bilang Emerson.[1]
Nakikilala ang Emerson sa kanyang mga serif sa paanan sa maliit na titik "a", "d" at "u", at ang malawak na mga kapital (lalo na ang "M"). Katulad ang katangian ng pamilya ng tipo ng titik na ito sa klasikong Renasimiyentong mga tipo, at ang malambot at mapurol na anyo nito ay dinisenyo para umakma sa reproduksyong photogravure.[2]
Ginamit ang Emerson sa tagpuan ng Golden Encyclopedia ng 1946, na isang may larawang ensiklopedya pambata na nilimbag ng Golden Press sa New York, Estados Unidos.

Isang bersyon ng Emerson ang kamakailan lamang lumabas na naging isang pamilya ng tipo ng titik para sa paggamit sa mga kompyuter mula sa Nonpareil Type.[3][4]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.