Elias

Si Elias (Ebreo: Eliyahu; Arabe: Ilyas; Ingles: Elijah) ay isang propeta sa Kaharian ng Israel noong pamumuno ni Ahab (ika-9 siglo BC), ayon sa Aklat ng mga Har

Elias
Si Elias Habang Binubuhay ang Anak ng Babaeng Balo ng Sarepta ni Louis Hersent

Si Elias (Ebreo: Eliyahu; Arabe: Ilyas; Ingles: Elijah) ay isang propeta sa Kaharian ng Israel noong pamumuno ni Ahab (ika-9 siglo BC), ayon sa Aklat ng mga Hari.

Ayon sa Aklat ng mga Hari, ipinagtanggol ni Elias ang pagsamba kay Yahweh sa halip na sa mas sikat na si Baal, nagpabuhay siya ng mga patay, nagpababa siya ng apoy mula sa langit at umakyat siya sa mga ulap dala ng isang ipo-ipo (maaaring sinamahan ng isang kalesa at mga kabayong nagliliyab, o sakay mismo nito).[1] Sa Aklat ni Malakias, ang pagbabalik ni Elias ay tinatayang "bago ng pagdating ng dakila at napakasamang araw ng Panginoon,"[2] at sa gayon siya ang tagapagbalita ng Mesiyas, at ng tungkol sa "katapusan" para sa mga iba't ibang pananampalataya na nananalig sa Ebreong Bibliya. May mga kaugnayang pagbabanggit kay Elias na matatagpuan sa Talmud, [[1]], Bagong Tipan at sa Koran.

Sa Islam

Si Ilyas ay isang Islamikong propeta na binabanggit sa Koran. Tinatanaw siya ng mga Muslim bilang ang propetang nauna kay Eliseo, kilala sa Islam bilang Al-Yasa. Kahit na hindi binabanggit ng Bibliya ni ng Koran ang kaangkanan ni Elias, ang ilang mga eksperto sa Islam ay naniniwalang siya ay malamang na nanggaling mula sa saserdoteng mag-anak ni Aaron (Harun).[3] Ipinahihiwatig din na si Elias ay pinalaki upang maging propeta ng mga Israelita, pagkatapos ng pagkamatay ng dakilang propetang hari na si Salomon (Sulayman).

Tingnan din

  • Eliseo, alagad ni Elias at humalili kay Elias

Mga sanggunian

  1. 4 Mga Hari 2:11
  2. Malakias 3:23
  3. Stories of The Prophets, Ibn Kathir.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.