Eba

Ayon sa paniniwalang kristiano at judismo, si Eba (Ingles: Eve; wikang Kastila: Eva[1] ang unang babae, ang pangalawang tao, at ang asawa ni Adan. Ito …

Eba
Ang dibuhong Ang Paglalang kay Eba ni Michelangelo, isang fresco sa kisame ng Kapilyang Sistine na naglalarawan sa paglikha ng Diyos kay Eba mula sa tagiliran at tadyang ni Adan.

Ayon sa paniniwalang kristiano at judismo, si Eba (Ingles: Eve; wikang Kastila: Eva[1] ang unang babae, ang pangalawang tao, at ang asawa ni Adan. Ito ay nababasa sa Aklat ng Henesis sa Lumang Tipan ng Bibliya Nilikha ng Diyos si Eba mula sa tadyang ni Adan bilang kaniyang katuwang at katulong sa pamumuhay. Natukso si Eba ng ahas para kainin ang pinagbabawal na bunga mula puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Hinimok niya si Adan na sumalo sa pagkain ng bunga, kaya't bilang resulta, nalaman nila na sila'y hubad at sila ay pinalayas ng Diyos mula sa Hardin ng Eden at isinumpa sila kasama ang ahas na nangdaya sa kanila.

Kahulugan ng pangalan

Nagmula ang katagang Eva mula sa Havva na hango naman din sa hayah na nangangahulugang "mabuhay." Kaya nangangahulugang "ina ng mga nabubuhay" ang pangalang Eba o Eva.[2]

Kaugnayan kay Mariang Ina ni Hesus

Sinasabing, ayon sa isang talababa sa salin ng Bibliyang Tagalog ni Jose C. Abriol, na si Mariang Ina ni Hesus ang "bagong Eba", sapagkat may kaugnayan sa tinatawag na mga talatang protoebanghelyong naglalaman ng pariralang "kaniyang dudurugin". Isang kahulaan ang mga talatang protoebanghelyo (mula sa salitang Lating protoevangelio) sapagkat nagbibigay ng "kahulaan ng pagtubos ng sangkatauhan na mababasa sa Ebanghelyo."[1]

Sanggunian

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Eva". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077. Ginamit ang baybay na Eva sa halip na Eba sa Bibliyang itong nasa wikang Tagalog.
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Eva". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.

BibliyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.