Ang dulos o paleta ay isang maliit na kagamitan pangkamay na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa gilid ng mga halaman. Ginagamit din ito upang mailipat nang ma

Ang dulos o paleta ay isang maliit na kagamitan pangkamay na ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa gilid ng mga halaman. Ginagamit din ito upang mailipat nang maayos ang mga punla. Para din ang gamit na ito sa paglalapat, pagpapatag, o paglilipat ng maliliit na dami ng malapot o partikuladong materyal. Kabilang sa karaniwang sari-saring uri ang dulos panmason, dulos panghardin, at dulos pampatag o rodela (o radela[1]).
Iba ang dulos panghardin sa dulos panmason. Palapad ang panmason habang parang pala ang sa panghardin.[2] Sa pampatag o pampalitada ng semento, kilala din ang dulos sa tawag na kutsara ng kantero.[3] Yari kadalasan ang kutsara ng kantero sa kahoy o bakal at may magkaibang gamit.[4]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.