Ang dragun (mula sa Ingles na dragoon[1]), dragon, dragunero[2], o dragonero[2] ay isang kawal na pangunahing sinanay upang makipaglaban

Ang dragun (mula sa Ingles na dragoon[1]), dragon, dragunero[2], o dragonero[2] ay isang kawal na pangunahing sinanay upang makipaglaban habang nakatapak sa lupa ngunit naturuan din sumakay sa kabayo[1] at pakikipaglabang pangkabalyero. Natatangi na noong huling ika-17 at maagang ika-19 mga daantaon kung kailan inilunsad ang mga rehimyento ng dragun sa loob ng halos lahat ng mga hukbong Europeo. Noong panahon ng mas huli pang ika-18 daantaon at ng Mga Digmaang Napoleoniko, karamihan sa ganitong mga yunit ang umunlad para maging pangkaraniwang paraan o midyum at minsang magaang na kabalyero o hukbong nakakabayo.
Hinango ang salitang "dragoon" o dragun mula sa pagtatalaga o ranggong pang-Hukbong Katihan ng Pranses - ang dragon - na siya rin mismong orihinal na pangalan ng isang uri ng sandatang pumuputok (na nangangahulugang dragon ang pangalan) na binubuhat ng mga dragung Pranses. Sa mga wikang Pranses at Kastila, walang pagkakaiba ang mga salitang dragoon (dragun) at dragon.
Sa makabagong panahon, pinanatili ang pamagat ng isang bilang ng mga sandatan o pampagdiriwang o panseremonyang nakakabayong mga rehimyento.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.