Ang mga deepfake (pinagsamang mga salitang deep learning o malalim na pag-aaral at fake o huwad[1]) ay mga larawan, video o audio na binago o binuo gami
Isang deepfake video ni Kim Jong-un noong 2020, na ginawa ng RepresentUs, isang samahang adbokasiya sa Estados Unidos na walang kinabibilangang partido.
Ang mga deepfake (pinagsamang mga salitang deep learning o malalim na pag-aaral at fake o huwad[1]) ay mga larawan, video o audio na binago o binuo gamit ang artipisyal na katalinuhan (AI), mga kagamitang AI, o software sa paggawa ng audio at video. Maaaring maglarawan ang mga ito ng tunay o kathang-isip na mga tao at itinuturing ang mga ito na isang uri ng sintetikong midya, iyon ay ang midya na kadalasang ginagawa ng mga sistemang artipisyal na katalinuhan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang mga elemento ng midya para makagawa ng isang bagong awtput na midya.[2][3]
Ikinabahala ng mga akademiko ang kakayahan ng mga deepfake na magpalaganap ng disinformation at mapoot na salita,[13] gayundin na manghimasok sa mga halalan.[14] Bilang tugon, iminungkahi ng industriya ng teknolohiyang pang-impormasyon at ng mga pamahalaan ang mga rekomendasyon at pamamaraan upang matukoy at mabawasan ang paggamit ng mga ito. May malalim na pananaliksik din ng mga mananaliksik sa akademya sa mga salik ng onlayn na pakikitungo sa mga deepfake, pati na rin ang maaaring mga panlaban sa masamang paggamit ng mga deepfake.
Nagbago na ang teknolohiya sa deepfake, na gamit sa iba't ibang mga larangan tulad ng kinagisnang libangan at ng paglalaro. Sa pagbabagong ito mas nagiging kapani-paniwala ang deepfake[15] at madaling magamit ng publiko, na nagpapagambala sa mga industriya ng libangan at midyang panlahat.[16]
Daniel Immerwahr, "Your Lying Eyes: People now use A.I. to generate fake videos indistinguishable from real ones. How much does it matter?", The New Yorker, ika-20 ng Nobyembre 2023, pp. 54–59. "If by 'deepfakes' we mean realistic videos produced using artificial intelligence that actually deceive people, then they barely exist. The fakes aren't deep, and the deeps aren't fake. [...] A.I.-generated videos are not, in general, operating in our media as counterfeited evidence. Their role better resembles that of cartoons, especially smutty ones." (pahina 59.)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.
The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.