Ang deel (Mongol: ᠳᠡᠪᠡᠯ /дээл) ay isang tradisyonal na damit na karaniwang isinuot ng mga Monggol, Turko at Tungusiko nang daan-daang taon,[1&…

Ang deel (Mongol: ᠳᠡᠪᠡᠯ /дээл) ay isang tradisyonal na damit na karaniwang isinuot ng mga Monggol, Turko at Tungusiko nang daan-daang taon,[1] at maaaring gawin mula sa bulak, sutla, lana, o brokado.
Karaniwang isinusuot pa rin ang deel ng mga lalaki at babae sa labas ng mga pangunahing bayan, lalo na ng mga pastol.[2] Sa mga urbanong lugar, kadalasang isinusuot lamang ang deel ng mga matatanda, o sa mga masasayang okasyon. Kahawig ang deel sa kaftan o isang lumang tunikang Europeo na nakatiklop.[2] Karaniwang umaabot ang deel hanggang sa ibaba ng mga tuhod ng nagsusuot at bumubuka sa ibaba. May iba't ibang kulay ang mga ito ngunit kadalasang bughaw, olibo, o tinalaban.
Nag-iiba nang konti ang disenyo ng mga deel sa bawat kultura at pangkat-etniko, at nag-iba-iba sa paglipas ng panahon. Mayroon ding mga natatanging baryasyon sa iba't ibang tribong Monggol,[3] kadalasan sa disenyo ng kuwelyo sa may itaas na dibdib. Halimbawa, pabilog ang kuwelyo ng deel ng mga Khalkha Monggol, habang parisukat naman sa deel ng mga Buryat. Maaaring magkaiba-iba rin ang mga deel ng ibang tribo tulad ng mga Chakhar, Torguud, at Uzemchin. Idinedisenyo ang mga deel para sa mga iba't ibang okasyon, kapanahunan,[4] at pagdiriwang. May mga deel na panseremonya na ginagamit kapag may kasalan at pista at mga deel na pang-araw-araw. Gawa sa sutla ang panlabas na bahagi ng mga deel na pang-espesyal na okasyon habang gawa sa lana, bulak, at ibang di-ganoong mamahaling materyales ang mga pangkaraniwang deel.
{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: date and year (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.