| Key lime | |
|---|---|
| Ripe yellow Key lime | |
| Pag-uuring siyentipiko | |
| Kaharian: | Plantae |
| Klado: | Tracheophytes |
| Klado: | Angiosperms |
| Klado: | Eudicots |
| Klado: | Rosids |
| Orden: | Sapindales |
| Pamilya: | Rutaceae |
| Henero: | Citrus |
| Espesye: | C. aurantiifolia
|
| Pangalang dalawahan | |
| Citrus aurantiifolia (Christm.) Swingle
| |
Ang dayap (Citrus × aurantiifolia) ay isang hybrid ng citrus mula sa C. micrantha at C. medica. Ito ay may isang mabilog na prutas na 2.5 - 5 cm ang lapad. Ito ay dilaw kapag hinog ngunit karaniwang inaani habang ito ay kulay berde.
Malapit sa dayap ay ang bilolo.[1]
Ang puno ng dayap ay isang palumpong at marami ring tinik, na maaring umabot ng 5 m ang tangkad. Marami itong sanga. Medyo mabilog ang dahon nito, at may habang 2.5–9 sentimetro (0.98–3.54 in)cm, kahawig ng dahon ng kahel (Citrus aurantium). Ito ang dahilan kung bakit ang siyentipikong pangalan ng dayap ay C. aurantifolia.
Ang mga bulaklak nito ay may lapad na 2.5 cm. Madilaw hanggang sa puti ang mga ito na may kaunting pagkakulay-ube sa gilid. Buong taon namumulaklak at namumunga ang puno ng dayap, subalit ito ay higit na mabunga mula Mayo hanggang Setyembre sa panghilagang hemispero.[2][3]

Mahalagang mga factor ang klima at pagkahinog ng bunga sa pagtubo ng dayap. Kaya nitong tumubo sa mga lugar na may klimang mainit-init sa kahit anong buwan. Ang pagtubo nito ay pinakamahusay na mga maaraw na lugar na hindi bahain,[4][5] may mabuting sirkulasyon ng hangin, at may proteksyon mula sa malamig simoy ng hangin. Dahil mababaw ang mga ugat nito ay mainam na itanim sa mabatong lupa upang magkaroon ang mga ito ng mas magandang kapit. Mainam din ang pagtabas ng mga labis na sanga upang mapaganda ang pag-ikot ng hangin.[6]
Depende ang ani ng puno sa edad nito. Ang mga taniman ng dayap na lima hanggang anim na taon na ang tanda ay maaaring mag-ani ng 6 tonelada kada ektarya. Mas matagal ang kailangang hintayin bago mamunga ang mga punong nagmula sa punla, ngunit ito ay mas mabunga kaysa sa mga punong ginamitan ng grafting.[6]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.