| Datu Alamada | |
|---|---|
| Datu ng Tribong Idalemen
| |
| Ama | Bai Gansing |
| Kamatayan | Pigcalagan, Sultan Kudarat |
| Pananampalataya | Sunni Islam |
Si Datu "Amaibuliok" Alamada ay ang Iranung datu ng Tribong Idalemen na lumaban laban sa paniniil ng mga rehimeng kolonyal ng mga dayuhan sa loob ng dalawampung taon sa mga mabubundok na lugar sa pagitan ng Cotabato at Lanao. Si Datu Alamada ay kinilala bilang isa sa mga tanyag na pinuno ng mga Iranun at ng Dalaman na nakakalat sa buong hilagang bahagi ng mga Lungsod ng Pigcauayan, Libungan, Sultan Kudarat at sa Kitacubong (ngayon ay Poblacion) bilang trono ng kanyang kaharian.
Siya ay binansagan ni Bai Dayang "Sampurna" bilang "Bandalen a takena, datu na wai aki" na nangangahulugang "Ang lalaking di masalitain, ang datu ng mga Iranun".[1]

Si Datu Alamada ay nagkaroon ng 4 na kuta:
Matapos ang pagkamatay ni Rajahmuda Ali sa Labanan ng Ilog Malalag noong ika-22 ng Oktubre, pinagpatuloy ni Datu Alamada ang pakikipaglaban sa mga Amerikano sa susunod na 9 taon.
Siya ay sumuko na rin noong ika-19 ng Mayo 1914 sa Pamahalaang Amerikano. Siya ay nakipagkita kay Gobernador Harrison sa Malacañang noong 1915. Noong siya ay tinanong kung ano ba ang kanyang ninanais, ang kanyang sinabi ay "basta pakainin mo lang ang aking mga tauhan". Doon nagtapos ang kanyang 20 taon ng pakikipaglaban sa koloniyalismo.
Siya ay nagretiro na rin at namatay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pigcalagan, Sultan Kudarat.[2]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.