Ang DZRV (846 AM), sumasahimpapawid bilang Veritas 846, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pamamagitan
| Lungsod Quezon Pilipinas | |
|---|---|
| Lugar na pinagsisilbihan | Malawakang Maynila at mga karatig na lugar |
| Frequency | 846 kHz |
| Tatak | Veritas 846 Radyo Veritas |
| Pagproprograma | |
| Wika | Filipino, English |
| Format | Religious |
| Mga Kaakibat | Catholic Media Network |
| Pagmamay-ari | |
| May-ari | Arkidiyosesis ng Maynila (Global Broadcasting System) |
| Kaysaysayan | |
Unang pag-ere | 11 Abril 1969 |
Dating call sign | DWRV (1969–1991) DZNN (1991–1998) |
Dating frequency | 860 kHz (1950–1978) |
Kahulagan ng call sign | Radio Veritas |
| Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
| Power | 50,000 watts |
| Link | |
| Webcast | Listen Live |
| Website | Veritas 846 |
Ang DZRV (846 AM), sumasahimpapawid bilang Veritas 846, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari at pinamamahalaan ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pamamagitan ng Global Broadcasting System bilang tagahawak ng lisensya. Ito ay nagsisilbing punong himpilan ng Catholic Media Network. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa Veritas Tower, 162 West Ave. cor. EDSA, Brgy. Philam, Lungsod Quezon, at ang transmiter nito ay matatagpuan sa Brgy. Lobos, Meycauayan, Bulacan.[1]
Itinatag ang Radyo Veritas noong Abril 11, 1969 sa pagmamay-ari ng Philippine Radio Educational and Information Center, Inc. Sumahimpapawid ito sa 860 kHz, ang talapihitang pinagmamay-ari dati ng University of Santo Tomas. Noong Nobyembre 23, 1978, lumipat ang talapihitang ito sa 846 kHz.[1]
Noong Pebrero 25, 1986, sa pagtapos ng Rebolusyong EDSA ng 1986, dinumog ng mga grupong armado ang pasilidad ng transmiter ng Radyo Veritas para sirain ang transmiter nito.[2]
Noong Mayo 17, 1991, binili ng Global Broadcasting System ang Radyo Veritas na nagpalit ng call letters sa DZNN na binansagang Kaibigang Totoo at The Spirit of the Philippines. Lumipat ito sa Makati bago muli ito lumpiat sa Ortigas noong kalagitnaan ng dekada 90. Noong 1998, nagpalit muli ito ng call letters sa DZRV.
Noong 2005, nasa ibang pamamahala ang Radyo Veritas na naging Veritas 846. Noong 2008, nagpatatag ng Veitas ang Kapanalig Radio Community para sa mga tagapagkinig nito.[3]
Noong Abril 2018, sa ika-49 na anibersaryo nito, binansagan ang Veritas bilang Ang Radyo ng Simbahan.[4]
Noong Abril 2019 sa ika-49 na anibersaryo nito, inilunsad ng Veritas ang opisyal nitong jingle na binansagang Manatili ka sa'min.[5]
Noong Nobyembre 1, 2021, inilunsad ng Veritas ang sarili nitong teleradyo channel sa Sky Cable Channel 211 sa Kalakhang Maynila.[6]
Noong Setyembre 8, 2025, inilunsad nito ang bago nitong transmiter sa Brgy. Longos, Meycauayan.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.