Ang DXCX (88.9 FM), sumasahimpapawid bilang 88.9 XFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Rizal Memorial Colleges Broadcasting Corporation at pinamama
| Tacurong | |
|---|---|
| Lugar na pinagsisilbihan | Hilagang Sultan Kudarat, ilang bahagi ng Maguindanao del Sur at Timog Cotabato |
| Frequency | 88.9 MHz |
| Tatak | 88.9 XFM |
| Pagproprograma | |
| Wika | Hiligaynon, Filipino |
| Format | Contemporary MOR, News, Talk |
| Network | XFM |
| Pagmamay-ari | |
| May-ari | Rizal Memorial Colleges Broadcasting Corporation |
| Pinamamahala | Y2H Broadcasting Network |
| Kaysaysayan | |
Unang pag-ere | 2019 |
Dating frequency | 88.3 MHz (2019-2024) |
| Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
| Power | 1,000 watts |
| Link | |
| Website | Facebook Page |
Ang DXCX (88.9 FM), sumasahimpapawid bilang 88.9 XFM, ay isang himpilan ng radyo na pagmamay-ari ng Rizal Memorial Colleges Broadcasting Corporation at pinamamahalaan ng Y2H Broadcasting Network. Ang estudyo at transmiter nito ay matatagpuan sa Purok Cayambanan, Brgy. Grino, Tacurong.[1][2][3]
Itinatag ang himpilang ito noong 2019 bilang Radyo ni Juan. Ito ang natirang himpilan ng Radyo ni Juan pagkatapos ng pagsara nito noong katapusan ng 2020. Nawala ito sa ere noong simula ng 2025. Noong Hunyo 2025, bumalik ito sa ere bilang XFM sa ilalim ng pamamahala ng Y2H Broadcasting Network.
Noong Oktubre 30, 2019, binaril ng dalawang armado na naka-motor ang katiwala ng himpilang ito na si Benjie Caballero sa labas ng kanyang bahay. Namatay siya makalipas ang isang buwan dahil sa pneumonia.[4][5]
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.