Ang DWDU (105.5 FM) ay isang himpilan ng radyo na pag-aari at pinamamahalaan ng Reliance Broadcasting Unlimited, isang kaakibat na kumpanya ng Converge ICT. Ang…
| Mabalacat | |
|---|---|
| Lugar na pinagsisilbihan | Gitnang Luzon at mga karatig na lugar |
| Frequency | 105.5 MHz |
| Pagmamay-ari | |
| May-ari | Reliance Broadcasting Unlimited |
| Kaysaysayan | |
Unang pag-ere | Oktubre 1, 2012 |
Dating pangalan |
|
Kahulagan ng call sign | D Ultimate (dating pangalan) |
| Impormasyong teknikal | |
Awtoridad na naglisensiya | NTC |
| Link | |
| Website | UFM 105.5 |
Ang DWDU (105.5 FM) ay isang himpilan ng radyo na pag-aari at pinamamahalaan ng Reliance Broadcasting Unlimited, isang kaakibat na kumpanya ng Converge ICT. Ang estudyo nito ay matatagpuan sa 2nd floor, Landmark Commercial Building, MacArthur Highway, Brgy. Quebiyawan, San Fernando, Pampanga.[1][2][3]

Itinatag ang himpilan ito noong 2012 bilang D'Ultimate, na may pang-masa na format. Noong panahong iyon, nasa ilalim ito ng pagmamay-ari ng Information Broadcast Unlimited. Noong 2015, naging UFM ito na may Top 40 na format. Noong panahong ito, inilipat sa Reliance Broadcasting ang pagkamay-ari nito. Noong 2018, binago ang format nito sa variety hits. Nasa Comclark Bldg., Manuel A. Roxas Highway, Clark Freeport Zone ang dati nitong tahanan.
Noong Abril 12, 2024, nawala sa ere ang UFM dahil sa mga isyung pang-pinansyal. Noong unang bahagi ng 2024, ang kapatid nitong cable TV channel na Pep TV 3 ay nawala din sa ere.
Noong Nobyembre 3, 2025, bumalik ito sa ere bilang Newsline Central Luzon sa ilalim ng pamamahala ng JRS Newsline Multimedia Corporation. Dati ito sumahimpapawid sa 103.1 FM na pagmamay-ari ng Soundstream Broadcasting Corporation mula sa paglunsad nito noong Hunyo 2023.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.