D4vd

Si David Anthony Burke (sinilang noong March 28, 2005), na kilala sa trabaho na d4vd ay isang Amerikanong mang-aawit at tagasulat ng awit. Noong 2022, sinahimpa

D4vd
D4vd
Pangalan noong ipinanganakDavid Anthony Burke
Kapanganakan (2005-03-28) 28 Marso 2005 (21 taong gulang)
Queens, New York City, U.S.
PinagmulanHouston, Texas
Genre
  • Alternative
  • indie
  • rock
  • R&B
  • pop
Trabaho
  • Mang-aawit
  • tagasulat ng awit
Taong aktibo2021–kasalukuyan
Label
  • Darkroom
  • Interscope
Pirma

Si David Anthony Burke (sinilang noong March 28, 2005), na kilala sa trabaho na d4vd ay isang Amerikanong mang-aawit at tagasulat ng awit. Noong 2022, sinahimpapawid niya ang single na "Here with Me" at "Romantic Homicide", na umani ng malawak na katanyagan sa TikTok na humantong sa kanyang pagsasapi sa Darkroom at Interscope Records.

Sinilang siya sa Queens, New York City, ngunit pinalaki siya sa Houston. Sa mungkahi ng kanyang ina, sinimulan niyang yumari ng sariling awitin, upang gamitin sa kanyang Fortnite gameplay montages sa YouTube upang makaiwas sa copyright strikes. Kasabay ng sunod-sunod na pagsahimpapawid noong 2023, nagsahimpapawid si Burke ng dalawang extended play (EP), Petals to Thorns at The Lost Petals, na ang una ay tumanyag sa limang ibayo. Noong 2024, nagsahimpapawid si Burke ng limang singles, kasama na ang kanyang pangatlong single na natala sa Billboard Hot 100, “Feel It". Ang kanyang pamungad na studio album na Withered ay sumahimpapawid noong 2025.

Maagang buhay

Sinilang siya sa Queens, New York City,[1] ngunit ang kanyang mag-anak ay lumipat sa Houston, Texas.[2] Hanggang siya ay mag-13 taong gulang, si Burke ay nakikinig lamang sa mga awiting relihiyoso.[3] Matapos mapakinggan ang awiting "Gucci Gang" ni Lil Pump, nagsimula siyang makinig ng iba pang awitin sa kanyang laptop sa paaralan, at kalaunan ay natuklasan si XXXTentacion at Members Only. Natuklasan ni Burke ang indie music genre sa isang Fortnite montage.[4] Pinag-aral siya sa bahay matapos ang ikapitong baytang.[3][5] Matapos nito ay nagsimula siyang bumuo ng mga awitin noong 2021.[6]

Mga sanggunian

  1. Lee, Cydney (May 15, 2023). "How Fortnite Led to 18-year-old D4vd Quietly Dominating Alternative Music". Billboard. Nakuha noong June 27, 2023.
  2. Genius (November 11, 2022). "d4vd "Romantic Homicide" Official Lyrics & Meaning - Verified" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong March 18, 2023. Nakuha noong January 5, 2023 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
  3. 3.0 3.1 Sandiford, Kayla (April 28, 2025). "d4vd: "I wanted this project to be super, unequivocally me"". DIY (sa wikang Ingles). Nakuha noong May 18, 2025.
  4. Herh, Kala (December 5, 2022). "The Story of D4vd". V. Nakuha noong June 2, 2024.
  5. Armstrong, Megan (June 2, 2023). "How Singer-Songwriter D4vd Became the Mouthpiece for Gen-Z Heartache". GQ (sa wikang Ingles). Nakuha noong March 23, 2023.
  6. "Check out "Romantic Homicide" the new tune from d4vd". OutInPerth (sa wikang Ingles). September 22, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong October 7, 2022. Nakuha noong October 7, 2022.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.