Ctenophora

Ctenophora

Ctenophora
Temporal range: Kambriyano – Kamakailan.
"Ctenophorae" mula sa Kunstformen der Natur ni Ernst Haeckel, 1904
Pag-uuring siyentipiko e
Kaharian: Animalia
Subkaharian: Eumetazoa
Pilo: Ctenophora
Eschscholtz, 1829
Klase

Tentaculata
Nuda

Ang Ctenophora (play /tɪˈnɒfərə/; ctenophore, /ˈtɛnəfɔər/ or /ˈtnəfɔər/ kung isahan, at hindi binabanggit ang titik c sa maramihan man o isahan mang anyo; buhat sa Griyegong κτείς kteis 'suklay' at φέρω pherō 'buhat', 'bitbit', o 'pasan'; na karaniwang nakikilala bilang mga halayang suklay o gulamang suklay) ay isa sa mga lapi na bumubuo sa kahariang Animalia. Ang mga ito ay isang phylum ng mga hayop na namumuhay sa mga katubigang pangkaragatan sa buong mundo. Ang kanilang kakaibang tampok na mga katangian ay ang mga "suklay", mga pangkat ng cilia na ginagamit nila sa paglangoy, at sila ang pinakamalalaking mga hayop na lumalangoy sa pamamagitan ng cilia - ang mga adulto ng samu't saring mga espesye ay sumasaklaw ng mula mangilan-ngilang mga milimetro hanggang sa 1.5 metro (59 in) ang laki. Katulad ng mga cnidaria, ang mga katawan nila ay binubuo ng isang masang parang gulaman, na may isang patong ng mga selula sa labas at isa pang gumuguhit sa panloob na puwang. Sa mga ctenophore, ang mga saping ito ay may lalim na katumbas ng dalawang mga selula, habang ang sa mga cnidaria (cnidariano) ay isang selula lamang ang taas o lalim. Ang mga ctenophore ay kahawig ng mga cnidaria sa pagkakaroon ng desentralisadong (hindi sentralisado) lambat ng nerbiyo sa halip na mayroong isang utak. Ilang mga may-akda ang nagsasama-sama ng mga ctenophore at ng mga cnidaria sa loob ng isang phylum na tinatawag na Coelenterata, dahil ang dalawang pangkat ay kapwa nakasalalay sa daloy ng tubig na lumalagos sa puwang ng katawan para sa pagtunaw ng pagkain (dihestiyon) at paghinga (respirasyon). Ang pagpapataas ng kamalayan o pagkakaalam ng mga pagkakaibang ito ang naghihikayat sa mas kamakailang mga may-akda na uriin ang mga ito sa loob ng magkahiwalay na phyla (dalawang magkahiwalay na mga phylum).

Mga sanggunian

Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.