Croissant

Ang croissant (Pagbigkas sa Pranses: [kʁwasɑ̃]  ( pakinggan)) ay isang Pranses na viennoiserie sa hugis gasuklay, na gawa sa nakalaminang masa ng l

Croissant
Croissant
A crescent-shaped pastry
UriViennoiserie
KursoAlmusal
Lugar
Kaugnay na lutuinPranses
Pangunahing SangkapPinaalsang masa, mantikilya
BaryasyonPain aux raisins, Pain au chocolat, Pain aux fraises

Ang croissant (Pagbigkas sa Pranses: [kʁwasɑ̃]  ( pakinggan)) ay isang Pranses na viennoiserie sa hugis gasuklay, na gawa sa nakalaminang masa ng lebadura na nasa pagitan ng tinapay at masang ohaldre sa katangian.[1][2]

Isa itong mamantikilya at matuklaping viennoiserie na kinasihan ng hugis ng Austriyanong kipferl, ngunit gumagamit ng nakalaminang pinaalsang masa na istilong Pranses.[3] Pinangalanang croissant ito dahil sa gasuklay nitong hugis. Pinagpapatong-patong ang masa na may pahid ng mantikilya sa pagitan ng bawat suson, saka nirorolyo at tinutupi nang sunud-sunod ng ilang ulit. Pagkatapos, pinapakanipis ito sa pamamagitan ng pagrolyo, sa pamamaraang tinatawag na paglalamina. Nagbubunga ito ng susun-suson at patumpik-tumpik na tekstura, na katulad ng masang ohaldre.

Mula noong Renasimiyento ay ginagawa na ang mga tinapay na hugis gasuklay, at malamang na ang mga keyk na hugis gasuklay ay ginagawa na rin mula pa noong sinaunang panahon.[4] Nabuo ang modernong croissant noong pasimula ng ika-20 siglo, nang palitan ng mga panaderong Pranses ang masang brioche ng kipferl ng nakalaminang pinaalsang masa.[5]

Mga sanggunian

  1. Davidson, Alan (2014-08-21). The Oxford Companion to Food [Ang Kompanyerong Oxford sa Pagkain] (sa wikang Ingles). OUP Oxford. p. 232 and 237. ISBN 978-0-19-104072-6.
  2. Alan L. Kelly, Christophe Lavelle, Herve This, Roisin Burke (2021). Handbook of Molecular Gastronomy.Scientific Foundations, Educational Practices, and Culinary Applications [Manwal ng Gastronomiyang Molekular: Mga Siyentipikong Pundasyon, Mga Kasanayang Pang-edukasyon, at Mga Aplikasyon sa Pagluluto] (sa wikang Ingles). CRC Press. pp. 50–51. ISBN 9781466594791.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  3. Chevallier, Jim (2009). August Zang and the french croissant : how viennoiserie came to France [August Zang at ang Pranses na croissant: kung paano dumating ang viennoiserie sa Pransiya] (sa wikang Ingles). Chez Jim Books. ISBN 978-1-4486-6784-0. OCLC 903249778.
  4. "Qu'est-ce que la Bible? d'après la nouvelle philosophie allemande", isinalinwika (sa Ingles) ni August Hermann Ewerbeck. 1850. p. 327. Gumawa ang mga babaeng Ebreo, sa panahon ni Jeremias, bilang paggunita sa paganong diyosa Astarte (reyna ng langit, reyna ng buwan) ng mga keyk, marahil sa hugis ng gasuklay. (Isinalin mula sa Ingles)
  5. Magazine, Smithsonian; Fiegl, Amanda. "Is the Croissant Really French?" [Pranses Ba Talaga Ang Croissant?]. Smithsonian Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hunyo 2022. Nakuha noong 2022-04-26.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.