Ang corn dog (binabaybay ring corndog at marami pang ibang katawagan) ay hot dog na nakatuhog sa patpat na binalutan ng makapal na patong ng ginalapong na mais
| Lugar | Estados Unidos |
|---|---|
| Gumawa | Pinagtatalunan (sa kasalukuyang anyo, sirka huling bahagi ng d. 1930 - unang bahagi ng d. 1940) |
| Pangunahing Sangkap | Hot dog, ginalapong na harinang-mais |
| Baryasyon | 100+ |
| |
Ang corn dog (binabaybay ring corndog at marami pang ibang katawagan) ay hot dog na nakatuhog sa patpat na binalutan ng makapal na patong ng ginalapong na mais at ipiniritong-lubog sa mantika. Nagmula ito sa Estados Unidos at karaniwang matatagpuan sa lutuing Amerikano.
Karaniwang inihahain ang mga corn dog bilang pagkaing kalye o pangmadaliang pagkain. Para sa pinakamainam at pinakasariwang paghahanda, inilulubog at ipiniprito ang mga corn dog ng ilang nagtitinda bago lang ihain.[1] Nagbebenta naman ang iba ng eladong pre-made corn dog, na pinapatunaw at ipiniprito muli, o pinapainit sa oben.
Mahahanap din ang mga corn dog sa halos anumang supermarket at konbi sa Hilagang Amerika, elado man o mainit at handang kainin. Maaari ring painitin ang mga corn dog sa mikrolon, ngunit magkukulang ang tekstura ng galapong na patong.[2][3]


Sa Arhentina, ang panchucker (o panchuque, pancho chino) ay binubuo ng hotdog na binalutan ng malawaffle na pastelerya, at tinuhugan din ng patpat (kagaya ng corn dog). Maaari itong bilhin sa ilang mga istasyon ng tren at sa ilang lugar na nilalakaran ng marami. Karaniwan itong ibinebenta bilang murang pagkain para sa mga nagmamadali at matatagpuan lang sa ilang lalawigan sa panloob ng bansa—tulad ng La Plata, Belgrano, Villa Albertina, at Cipoletti—at, sa Buenos Aires, matatagpuan ang mga ito sa Barrio Chino. Lalo nang popular ang mga ito sa lalawigan ng Tucumán.[4]
Sa Australya, kabilang sa mga katawagan para sa corn dog ang dagwood dog, pluto pup o dippy dog, depende sa rehiyon.[5] Ginagamit ang ginalapong na gawa sa trigo o mais.[6] Hindi dapat ito ipagkamali sa Australyanong battered sav, isang tsorisong saveloy na binalutan ng ginalapong na trigo, na pinapares sa pritong patatas at walang nilalamang mais.[7]
Laganap ito sa mga palabas pang-agrikultura at mga karnabal, kagaya ng Sydney Royal Easter Show.
Sa Quebec, Ontario at New Brunswick, pogo ang tawag sa corn dog, at karaniwang sinasahugan ng dilaw na mustasa, minsan tinutukoy bilang ballpark mustard. Ginagamit ng mga pang ibang bahagi ng Kanada ang corn dog, na hindi nakatatak-kalakal.[8][9][10] Ipinangalan ito sa nakatatak-kalakal na pangalan ng eladong produkto ng Conagra inc. na mabibili saanman sa bansa mula d. 1960 ngunit may pangunahing merkado sa lalawigan ng Quebec.[8]
Sa Hapon, "American Dog" (アメリカンドッグ) ang tawag sa corn dog na batay sa ipinapalagay na pinanggalingan nito. Tinatawag din itong "French Dog" sa ilang bahagi ng Hapon, kabilang ang Hokkaido.[11]
Sa Timog Korea, isa sa mga pinakasikat na pagkaing kalye ang corn dog. Sa wikang Koreano, "hot dog" (핫도그) ang tawag sa corn dog, na maaaring ikalito sa totoong hot dog. Ang "kogo", isang corn dog na binalutan ng pritong patatas ay nakatawag-pansin sa mga Kanluraning bisita, kahit sa mga begano (kapag ginamit ang beganong hot dog).[12][13]
{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.