Coritha

Si Socorro Avelino o mas kilala bilang Coritha (Hunyo 27, 1951 - Setyembre 27, 2024) ay isang babaeng mang-aawit at lumilikha ng awit sa Pilipinas. Ginawaran si

Coritha
Coritha
Pangalan noong ipinanganakSocorro Avelino
Kilala rin bilangCoritha
Kapanganakan27 Hunyo 1951
Pinagmulan Pilipinas
Kamatayan27 Setyembre 2024
GenreFolk; Pop; Pinoy Rock;
TrabahoMang-aawit at manunulat ng awitin
InstrumentoGitara, boses

Si Socorro Avelino o mas kilala bilang Coritha (Hunyo 27, 1951 - Setyembre 27, 2024) ay isang babaeng mang-aawit at lumilikha ng awit sa Pilipinas. Ginawaran siya ng Best Folk-Pop Song at Best Folk-Pop Vocal Performance noong 1982 ng Cecil Awards.[1][2][3]

Personal na buhay

Matapos masunog ang tahanan ni Coritha sa New Manila sa Lungsod ng Quezon noong 2018 ay nanirahan na siya sa bahay ng kanyang katuwang sa buhay na si Chito Santos sa Lungsod ng Tagaytay.[2][4]

Huminto sa pagiging mang-aawit si Coritha dahil sa pagkakasakit. Siya ay naratay sa karamdaman pagkatapos dumanas ng stroke.[2] Nagkaroon ng isang pagtatanghal na may pamagat na “Awit Para Kay Coritha” noong Agosto 5, 2024 kung saan ang malilikom na pondo ay pantulong sa mga gastusin pang-medikal ni Coritha.[2]

Bilang mang-aawit

Sumikat si Coritha noong dekada '60 hanggang '80 sa pamamagitan ng kanyang musika na ginamitan ng mga katutubong instrumentong Pilipino na nagbukas ng daan para sa isang natatanging tunog na Pinoy folk-rock.[5][3]

Nagsilbing isang panawagan sa pagkilos ang musika ni Coritha. Masasalamin sa kanyang tinig at liriko ng kanyang mga kanta ang mga pakikibaka at pag-asa ng mga mamamayang Pilipino.[5]

Nakilala si Coritha sa kanyang mga kantang Maligayang Mundo, Oras Na, Sierra Madre, Para Mama, Lolo Jose, Gising Na, O Kuya Ko, at Awit Kay Leandro.[2][3] Ang kanyang kantang Oras Na na inaawit sa mga kilos-protesta ay ginamit noong 2018 sa soundtrack ng pelikulang aksyon ni Erik Matti na may pamagat na "Buy Bust".[3] Ang awiting Oras Na na inirekord noong 1979 ay nagpatunay ng saloobin ng mga tao sa kanilang pakikibaka upang makamtan ang kalayaan noong mga panahong ang presidente ng Pilipinas ay si Ferdinand Marcos hanggang sa paghahanap ng integridad sa pamamahala ng pamahalaan sa ilalim ng presidente ng Pilipinas na si Joseph Estrada.[6]

Natanggap ni Coritha ang mga parangal bilang Best Folk-Pop Song at Best Folk-Pop Vocal Performance na iginawad ng Cecil Awards noong 1982.[1]

Kamatayan

Namatay si Coritha noong Setyembre 27, 2024 sa edad na 73 taong gulang dahil sa matagal na sakit.[7][2][3]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Franco, Bernie V. (2024-09-28). "OPM folk singer Coritha dies". PEP.ph. Nakuha noong 2025-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 Francisco, John Eiron R. (2024-09-28). "Filipino folk singer Coritha, known for protest anthems, passes away | John Eiron R. Francisco". BusinessMirror (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Domingo, Gay Ace (2024-09-30). "Coritha's legacy". Malaya Business Insight (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2025-06-12. Nakuha noong 2025-12-10.
  4. Tupas, Emmanuel (2018-10-07). "Fire destroys folk singer's house". Philstar.com. Nakuha noong 2025-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 Price, Anna (2024-09-28). "Farewell to Coritha: a voice of protest, passion, and Pinoy pride". Daily Tribune (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-12-10.{{cite news}}: CS1 maint: url-status (link)
  6. "Oras Na: A song that has inspired millions". Philstar.com. 2001-03-30. Nakuha noong 2025-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)
  7. Pasajol, Anne (2024-09-28). "Folk singer Coritha dies". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-12-10.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.