Closet

Ang closet (lalo na sa gamit sa Hilagang Amerika) ay isang nakalakip na espasyo na maliit, at hindi mas lalaki sa isang garahe o silong. Upang masabi ito, ang c

Closet
Isang closet

Ang closet (lalo na sa gamit sa Hilagang Amerika) ay isang nakalakip na espasyo na maliit, at hindi mas lalaki sa isang garahe o silong. Upang masabi ito, ang closet sa Hilagang Amerika ay kasing liit lamang ng aparador at hindi na mas lalaki rito. Hindi maituturing bilang isang closet ang attic (kuwartong nasa pagitan ng kisame at ng bubungan), silong at garahe.

Ang mga closet ngayon ay maaaring sadyang nakadikit sa pader ng bahay upang hindi ito masyadong sumakop ng espasyo. Ang ibang closet naman ay maari ring nakatayo sa sarili na madalas ginagamit bilang taguan ng mga damit. Ang tawag na rito ay aparador o armoire sa Italia.

Sa dating kontekstong sa panahon ni Elizabeth sa Gitnang Ingles, ang closet ay nangangahulugan na isang malaking silid kung saan maaaring umupo at magbasa, subalit ngayon, ito ay isang maliit na silid lamang. Sa Ingles ng Indiya,[1] ang ibig sabihin ng closet ay kubeta, na maaaring nanggaling sa Ingles na salitang water closet, o palikurang gumagamit ng tubig. Ang paggamit ng closet para sa kubeta ay mababakas pa noong 1662.[2] Sa Pilipinas, may tinatawag na taguan na bahagi ng isang bahay o gusali,[3] na maaaring ituring na katumbas ng closet.

Ang isang piraso ng muwebles o kasangkapan tulad ng kabinet o aparador na may mga drawer (o lagayang nahuhugot) ay nagsisilbi rin para sa paglalagyan o imbakan, subalit hindi ito closet, sapagkat ang closet ay bahagi ng arkitektura ng isang gusali at hindi isang hiwalay na muwebles. Ang isang closet ay palaging may espasyo para sa pagsasampayan ng mga damit, samantalang ang isang cupboard o kapetera ay maaaring binubuo lamang ng mga estante para sa mga nakatiklop na kasuotan. Ang wardrobe (o taguan ng damit) ay maaaring tumukoy sa isang nakatayong muwebles (kilala rin bilang armoire), subalit ayon sa Oxford English Dictionary, maaari rin itong mangahulugang "isang malaking aparador o kabinet para sa paglalagay ng mga damit o iba pang mga lino", kabilang ang built-in wardrobe, fitted wardrobe, walk-in wardrobe, at iba pa.[2]

Mga sanggunian

  1. "Armoire - Dictionary Definition". Vocabulary.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 15, 2022.
  2. 2.0 2.1 OED (sa wikang Ingles). OUP. Nakuha noong 12 Pebrero 2018.
  3. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.