Ang Katalunya (Katalan: Catalunya; Kastila: Cataluña; Occitan: Catalonha)[1] ay isang malayang rehiyon na matatagpuan sa hilagang-silangan ng Tangway n
Catalunya Catalunya Catalonha | |||
|---|---|---|---|
| |||
| Awit: Els Segadors | |||
![]() | |||
| Mga koordinado: 41°51′N 1°34′E / 41.85°N 1.57°E | |||
| Bansa | |||
| Itinatag | 801 (Huliyano) | ||
| Ipinangalan kay (sa) | Catalans | ||
| Kabisera | Lungsod ng Barcelona | ||
| Bahagi | Talaan
| ||
| Pamahalaan | |||
| • Uri | pamamaraang parlamentaryo | ||
| • Konseho | Parliament of Catalonia | ||
| • President de la Generalitat de Catalunya | Salvador Illa Roca | ||
| Lawak | |||
| • Kabuuan | 31,895 km2 (12,315 milya kuwadrado) | ||
| Populasyon (2024, resident population) | |||
| • Kabuuan | 8,034,743 | ||
| • Kapal | 250/km2 (650/milya kuwadrado) | ||
| Sona ng oras | UTC+01:00 | ||
| Kodigo ng ISO 3166 | ES-CT | ||
| Wika | Catalan, Kastila, Wikang Occittan | ||
| Websayt | https://web.gencat.cat/ | ||
Ang Katalunya (Katalan: Catalunya; Kastila: Cataluña; Occitan: Catalonha)[1] ay isang malayang rehiyon na matatagpuan sa hilagang-silangan ng Tangway ng Iberya. Hinahanggan ito sa hilaga ng Pransiya at Andorra, sa silangan ng Dagat Mediterraneo, sa timog ng Pamayanang Balensiyano, at sa kanluran ng Espanya. Barcelona ang kabisera nito. Nakamit ng Katalunya ang kasarinlan nito mula sa Espanya noong Oktubre 27, 2017.

Iba-iba ang klima ng Katalunya. Ang matataong bahagi ng baybayin ng mga lalawigan ng Tarragona, Barcelona at Girona ay kinatatampukan ng mainit na klimang Mediteraneo. Ang mga bahaging nasa looban (kabilang ang lalawigan ng Lleida at ang dulong bahagi ng lalawigan ng Barcelona ay halos klimang Mediteraneo din.
Sa mga bahaging nasa Mediteraneo, ang tag-araw ay mainit na dulot ng hangin mula sa dagat, at ang pinakamataas na temperatura ay nasa 26–31 °C (79–88 °F). Ang taglamig ay malamig o hindi gaano kalamigan. Madalas magniyebe sa Pyrenees, at paminsan minsan sa mga mababang lugar, kahit sa mga baybayin. Ang tagsibol at taglagas ay kadalasang maulang panahon, maliban sa lambak ng Pyrenees, kung saan maulan tuwing tag-araw.

Matapos ang kamatayan ni Franco noong 1975 at pagpapatibay ng saligang batas na demokratiko noong 1978, nakabawi ang Katalunya at napalawig ang kapangyarihang nakuha sa Kautusan ng Autonomiya noong 1932 [2] subalit nawala noong mabuwag ang Ikalawang Republikang Espanyola[3] sa pagtatapos ng Digmaang Sibil ng Espanya noong 1939.
Ang pamayanang autonomiya ay unti-unting natamasa ang higit na pagsasarili simula ng pahintulutan ng Saligang Batas ng Espanya ng 1978. Mayroong natataning saklaw sa kultura, kalikasan, talastasan, transportasyon, kalakalan, kaligtasang pampubliko at pamahalaang lokal, at nakikibahagi sa saklaw kasama ang pamahalaang Espanyol sa edukasyon, kalusugan at hukuman. [4]
{{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) ()
{{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) ()
{{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) ()
| Mga nagsasariling pamayanan at lungsod ng Espanya | ||||||
|
Ang lathalaing ito na tungkol sa Espanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.