Ang Bulzi (Sardo: Bultzi) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Sacer, awtonomonmg rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga …
Bulzi Bultzi | |
|---|---|
| Comune di Bulzi | |
Panorama ng Bulzi | |
| Mga koordinado: 40°51′N 8°50′E / 40.850°N 8.833°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Cerdeña |
| Lalawigan | Sacer (SS) |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Edoardo Multineddu |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 21.67 km2 (8.37 milya kuwadrado) |
| Taas | 250 m (820 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 507 |
| • Kapal | 23/km2 (61/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Bulzesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 07030 |
| Kodigo sa pagpihit | 079 |
| Websayt | Opisyal na website |

Ang Bulzi (Sardo: Bultzi) ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Sacer, awtonomonmg rehiyon ng Cerdeña, kanlurang Italya, na matatagpuan mga 180 kilometro (110 mi) sa hilaga ng Cagliari at mga 25 kilometro (16 mi) hilagang-silangan ng Sassari.
Ang Bulzi ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Laerru, Perfugas, Santa Maria Coghinas, at Sedini.
Kabilang sa mga tanawin ang ika-12 siglong simbahan ng San Pietro del Crocifisso, o San Pietro delle Immagini, isang halimbawa ng estilong Romanikong Sardo.
Ang kasaysayan ng Bulzi ay nagsimula sa Mababang Paleolitiko. Ang pagkakaroon ng Nurahiko at Romanong mga naninirahan ay pinatunayan sa pamamagitan ng mga hukay arkeolohiko. Lumilitaw ang bayan sa mga mapang medyebal mula 1368.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.