Ang blue balls (literal na "bughaw na mga bola" ngunit may diwang "asul na mga bayag") ay ang salitang-lansangan o slang term[1] para sa kalagayan ng pa…
Ang blue balls (literal na "bughaw na mga bola" ngunit may diwang "asul na mga bayag") ay ang salitang-lansangan o slang term[1] para sa kalagayan ng pansamantalang pagkapuno (congestion) ng pluwido (vasocongestion) sa loob ng mga testikulo o itlog ng bayag na may kasamang pananakit na testikular (kirot sa itlog ng bayag),[2] na sanhi ng tumagal at hindi kasiya-siya o hindi natugunang pagkapukaw na seksuwal ng isang lalaking tao.[3] Ang kataga ay iniisip na nagmula sa Estados Unidos, na unang lumitaw noong 1916.[4] Ilan sa mga urologo ang tumawag sa katayuan bilang "epididymal hypertension". Ang kalagayang ito ay hindi nararanasan ng lahat ng mga lalaki.[5]
Bagaman malawakang tinatalakay, kakaunti lamang ang impormasyon sa panitikan ng pananaliksik na pangmedisina[6] hanggang sa lumitaw ang isang artikulo nina Chalett at Nerenberg na nalathala sa babasahing Pediatrics noong 2000, na nakatuklas ng kaunting datong pormal hinggil sa kalagayang ito subalit nagpatibay bilang konklusyon na ang lunas ay ang pagpapaginhawang seksuwal o sexual release (seksuwal na pagpaparaos).[7]
{{cite journal}}: CS1 maint: extra punctuation (link) CS1 maint: multiple names: authors list (link)
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.