Blackjack

Ang blackjack (dating Black Jack at Vingt-Un) ay isang laro sa baraha. Ito ang pinakalalarong bangkerong laro (banking game) sa mga sugalan o casino sa buong mu

Ang blackjack (dating Black Jack at Vingt-Un) ay isang laro sa baraha. Ito ang pinakalalarong bangkerong laro (banking game) sa mga sugalan o casino sa buong mundo.[1]: 342  Nilalaro ito kasama ang mga pakete ng 52 baraha at ito ang kaapo-apuhan ng isang pandaigdigang pamilya ng mga bangkero laro na kilala bilang Twenty-One (Dalawampu't isa). Kabilang din sa pamilyang ito ang mga larong baraha na Pontoon, isang Britanikong laro, at ang Vingt-et-Un, isang Europeong laro.[2]

Hindi nakakipagtunggali ang mga manlalaro ng Blackjack sa bawat isa. Kinukumpara ng bawat manlalaro ang baraha nila sa bangkero.

Kasaysayan

Bago naging Blackjack, nauna muna dito ang Ingles na bersyon ng twenty-one na tinatawag na Vingt-Un, isang laro na hindi alam ang pinagmulan (subalit marahil sa mga Kastila). Ang unang nakasulat na pagbanggit sa laro ay sa isang aklat ng Kastilang may-akda na si Miguel de Cervantes. Isang sugarol si Cervantes, at ang mga bida sa kanyang "Rinconete y Cortadillo", mula sa Novelas Ejemplares, ay mga nandadaya sa baraha sa Seville. Sanay silang mandaya sa veintiuna (Kastila para sa "dalawampu't isa") at sinasabi nila na ang layunin ng laro ay makaabot sa 21 puntos na hindi lumalagpas at ang halaga ng alas ay isa o labing-isa. Nilalaro ang laro sa pakete ng Kastilang baraja.

Sinulat ang "Rinconete y Cortadillo" sa pagitan ng 1601 at 1602, na ipinapahiwatig na nilalaro ang ventiuna sa Castile simula noong ika-17 dantaon o mas maaga pa. Ang kalaunang pagbanggit sa larong ito ay matatagpuan sa Pransya at Espanya.[3]

Mga sanggunian

  1. Scarne, John (1986). Scarne's new complete guide to gambling (sa wikang Ingles) (ika-Fully rev., expanded, updated (na) labas). Simon & Schuster. ISBN 978-0671630638.
  2. Parlett, David (1990). A History of Card Games, OUP, Oxford, p. 78. ISBN 0-19-282905-X (sa Ingles)
  3. Fontbona, Marc (2008). Historia del Juego en España. De la Hispania romana a nuestros días (sa wikang Kastila). Barcelona: Flor del Viento Ediciones. p. 89. ISBN 978-84-96495-30-2.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.