Ang biryani ay isang kani't ulam mula sa mga Muslim ng Timog Asya. Gawa ito sa kanin, karne (manok, baka, kambing, tupa, hipon, o isda) at mga espesya. Upang pa…
Hyderabadi dum biryani | |
| Ibang tawag | Biriyani, biriani, beriani, briyani, breyani, briani, birani, buriyani, bariania, beriani |
|---|---|
| Kurso | Ulam |
| Rehiyon o bansa | Timog Asya, Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Timog-silangang Asya |
| Ihain nang | Mainit |
| Pangunahing Sangkap |
|
| Karagdagang Sangkap |
|
| Baryasyon | Samu't sari |
| |
Ang biryani ay isang kani't ulam mula sa mga Muslim ng Timog Asya. Gawa ito sa kanin, karne (manok, baka, kambing, tupa, hipon, o isda) at mga espesya. Upang paglaanan ang mga behetaryano, inihahanda ito minsan nang walang anumang karne, at sa halip pinapalitan ng mga gulay.[1] Minsan dinaragdagan ito ng mga itlog at/o patatas.[2]
Isa sa mga pinakasikat na ulam ang biryani sa Timog Asya, pati na rin sa mga diaspora mula sa rehiyon. May mga kahawig na pagkain din sa ibang bahagi ng mundo kagaya ng Irak, Myanmar, Taylandiya, at Malasya.[3] Ito ang pinakainoorder na pagkain onlayn at kapag nagpapadeliber sa Indiya, at pinanganlang pinakasikat na pagkain sa Indiya.[4][5]

Ayon sa isang teorya, nagmula ang salitang biryani mula sa birinj (Persia: برنج), ang Persang salita para sa kanin.[6][7] Ayon sa isa pang teorya, hango ito sa biryan o beriyan (Persia: بریان), na nangangahulugang "magprito" o "maglitson".[8][9] Maaaring may kaugnayan din ito sa salitang Persa na bereshtan (Persia: برشتن) na may kahawig na kahulugan na "magprito (ng sibuyas)", dahil kadalasang inihahanda itong pagkain sa pagpapalasa sa kanin ng pritong sibuyas at karne, pati mga banayad na espesya.
Hindi matiyak kung saan nagmula itong pagkain. Sa Hilagang Indiya, nalinang ang iba't ibang uri ng biryani sa mga sentrong Muslim ng Delhi (lutuing Mughlai), Rampur, Lucknow (lutuing Awadhi) at iba pang maliliit na prinsipalidad. Sa Timog Indiya, kung saan mas patok ang kanin bilang isteypol, lumitaw ang iilang natatanging uri ng biryani mula sa Hyderabad Deccan (kung saan naniniwala ang ilan na nagmula ang ulam[10]) pati na rin sa Tamil Nadu (Ambur, Thanjavur, Chettinad, Salem, Dindigal), Kerala (Malabar), Telangana, at Karnataka (Bhatkal) kung saan may mga komunidad ng Muslim.[6][11]
Nag-iiba-iba ang mga sangkap ng biryani ayon sa rehiyon at uri ng karne at gulay na ginamit. Karne (manok, kambing, baka, tupa,[12] hipon o isda) ang pangunahing sinasangkapan sa kanin. Kagaya ng mga ibang pagkain sa subkontinenteng Indiyo, ginagamit din minsan ang mga gulay kapag inihahanda ang biryani. Maaaring sangkapin ang mais, depende sa panahon at pagkakaroon nito.
Maaaring kabilang sa mga espesya at kondimento na sinasahugan sa biryani ang binhi ng haras, ghee, moskada, masis,[13] paminta, kalabumpako,[13] kardamono, kanela, dahong laurel, unsoy, malipukon, luya, sibuyas, kamatis, siling berde,[12] at bawang. May kasubha ang mga de-kalidad na baryante.[13] Sa ilang mga resiping komersiyal ng biryani, may mga aromatiko kagaya ng attar, kewra at tubig-rosas. Maaari ring magdagdag ng mga pinatuyong prunong maasim (alu bukhara) sa biryani.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.