Bernabe

Si San Bernabe ng unang daang taon, ipinanganak bilang Jose (Joseph sa Ingles), ay isang sinaunang nagbagongloob upang maging Kristiyano, at isa sa mga pinakama

Bernabe
Si San Bernabe.

Si San Bernabe ng unang daang taon, ipinanganak bilang Jose (Joseph sa Ingles), ay isang sinaunang nagbagongloob upang maging Kristiyano, at isa sa mga pinakamaagang disipulo ng Kristiyanismo sa Herusalem.[1][2] Katulad ng halos lahat ng mga Kristiyano (tingnan din ang mga Hudyong Kristiyano) noong panahon niya, isang Hudyo si Barnabas, partikular na ang pagiging isang Lebita. Tinawag na isang alagad o apostol, nagsagawa siya at si San Pablo ng mga paglalakbay na pangmisyonero habang magkasama at nagtanggol ng mga nagbagongkaloobang mga Hentil laban sa mga hinihingi ng mas mahihigpit na mga pinuno ng simbahan[1], tingnan din ang mga Hudaisero o Hudaero. Nakakuha sila ng mga nagsipagbagongloob habang nasa Antioch (sirka 43-44), magkasamang naglakbay na nakakuha naman ng mas marami pang mga nagbagong-pananamapalataya (sirka 45-47), at nakilahok sa Konseho ng Herusalem (sirka 50).[3] Matagumpay na nakapagpahayag si Barnabas at Pablo ng ebanghelyo sa piling ng mga hentil na may-takot sa Diyos na lumahok sa mga sinagoga sa loob ng sari-saring mga Helenisadong mga lungsod ng Anatolya.[4].

Kuwento ukol kay Bernabe

Lumitaw ang kuwento tungkol kay Bernabe sa Mga Gawa ng mga Alagad, at binanggit siya ni Pablo sa ilan sa kanyang mga epistola (kalatas o liham).[1] Pinangalanan siya ni Tertuliano bilang may-akda ng Epistola sa mga Hebreo,[1] subalit ito at ang iba pang mga atribusyon ay mga palapalagay lamang.[5] Iniugnay ni Clemente ng Alejandria kay Barnabas ang isang maagang Kristiyanong epistolang tinatawag na (Epistola ni Barnabas), ngunit malamang na hindi ito nangyari o alanganing naganap.[6]

Mga tradisyon

Naging martir siya sa Salamis, Tsipre noong 61 AD[1], at nakaugalian siyang kinikilala bilang tagapagtatag ng Sipriyotang Ortodoksong Simbahan. Ipinagdiriwang ang kanyang araw ng kapistahan tuwing Hunyo 11.[1]

May ilang mga tradisyong pinanghahawakan ang paniniwalang kapatid na lalaki ni Bernabe si Aristobulus ng Britannia, ang isa sa Pitumpung mga Disipulo.

Ukol sa pangalan

Ayon kay San Lucas, Jose ang tunay na pangalan ni Bernabe. Subalit binansagan o pinalayawan siya ng mga alagad bilang Bernabe na nangangahulugang "anak ng pagbibigay ng lakas ng loob". Maaaring nakuha niya ang palayaw na ito dahil sa kanyang talento o kakayahang magsabi ng tamang salita o bagay sa tama o takdang panahon. O kaya, dahil sa kanyang maka-Diyos na katangian.[7]

Paglalarawan

Ayon sa sinasaad sa pang-Hunyo 2009 na labas ng magasing The Word Among Us ("Ang Salita sa Piling Natin"), nilarawan siya sa Mga Gawa ng mga Alagad bilang isang mabuting lalaking puno ng Espiritu Santo at pananalig (Mga Gawa 11:24). Sinasabi pa rin ng babasahing ito na isa si San Bernabe sa mga detalyeng nakakaligtaan o hindi napapansin, ngunit palaging naroroon o umiiral. Sa karamihan ng mga pagkakataong nababasa ng mambabasa ang mga pakikipagsapalaran ni San Pablo sa Aklat ng mga Gawa, palaging kasama ni San Pablo si San Bernabe. Subalit dahil napakatanyag ni San Pablo, palagian na lamang nasa likuran lamang o tila palamuti si San Bernabe. Ngunit kapag pinagtuunan ng pansin, isa ring mahalagang katauhan si San Bernabe na namuhay ayon at para sa Mabuting Balita. Kung wala sa Bernabe, maaaring nanatili lamang na isang napakamasidhing taong nagbagongloob patungong Kristiyanismo na nasa Tarsus. Si Bernabe ang unang nakapagpapayag sa mga nalalabing orihinal na alagad ni Hesus na tanggapin si Pablo pagkaraan ng pagbabagongloob nito. Si San Bernabe din ang nagdala kay San Pablo sa Antioquia, nagtala ng kanyang tulong, at nagtalaga sa kanyang unang gampanin bilang isang pinuno. Magkasama silang naglakbay upang magpahayag na ebanghelyo, magtatag ng mga parokya o mga simbahan, sa kabila ng mga pag-uusig. Gumanap silang mga disipulong nasa harap ng paganong mundo sa labas ng Herusalem.[7] </ref>

Batay pa rin sa sinasabi ng The Word Among Us, isang mapagbigay na tao si San Bernabe, na nagbigay ng karamihan sa kanyang mga kayaman upang matulungan ang mga mahihirap sa simbahan ng Herusalem. Siya ang nagbigay ng ikalawang pagkakataon kay San Marcos noong nakahanda na si San Pablong tanggihan ito (nasa Mga Gawa 4:36-37; 15:36-41). Mayroon siyang katangiang magsabi ng tamang bagay sa tamang oras o panahon.[7]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Barnabas." Cross, F. L., patnugot. The Oxford dictionary of the Christian church. Bagong York: Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford. 2005
  2. Ipinangalanan siya ni Harris bilang isang nangungunang pinuno ng sinaunang simbahan sa Herusalem. Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985.
  3. Durant, Will. Caesar and Christ. Bagong York: Simon at Schuster. 1972
  4. Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985.
  5. "Hebrews, Epistle to the" Cross, F. L., patnugot. The Oxford dictionary of the Christian church. Bagong York: Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford. 2005
  6. "Epistle of Barnabas." Cross, F. L., patnungot. The Oxford dictionary of the Christian church. Bagong York: Palimbagan ng Pamantasan ng Oxford. 2005
  7. 7.0 7.1 7.2 Paglalarawang nasa St. Barnabas (Acts 11:21-26; 13:1-3), Thursday, June 11, Meditations, June 2009, The Word Among Us Naka-arkibo 2009-08-04 sa Wayback Machine., Daily Meditations for Catholics, pahina 31.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.