Beagle

Ang beagle ay isang lahi ng hindi kalakihang aso. Ito ay miyembro ng hound o mga asong pangaso. Magkahawig ang beagle at ang foxhound, ngunit mas maikli lang an

Beagle
Isang beagle na may tatlong kulay

Ang beagle ay isang lahi ng hindi kalakihang aso. Ito ay miyembro ng hound o mga asong pangaso. Magkahawig ang beagle at ang foxhound, ngunit mas maikli lang ang binti, at mas mahaba at mas malambot ang tainga ng nauna. Ang mga beagle ay mga scenthounds (mga asong pangaso na ginagamit ang kanilang pang-amoy sa pangangaso). Bihasa sila sa paghuli sa mga kuneho, usa, at iba pang maliliit na hayop. Matalas ang kanilang pang-amoy at pagtunton na likas na gawi, maaari silang gamitin bilang mga asong nakakatunton sa mga ipinagbabawal na produktong agrikultural na binabantayan sa buong mundo. Ang mga beagle ay matatalino ngunit isang-isipan. Popular din silang alaga dahil sa laki, ugali, at resistensya sa mga sakit na naipamamana.

Kahit ang ganitong uri ng aso ay namuhay na  2,500 taong nakakalipas, ang modernong lahi ay nanggaling sa Britanya noong dekada 1830 mula sa iba't ibang lahi ng aso gaya ng talbot hound, north country beagle, southern hound, north country beagle, at maaari ring nalahian ng harrier.

Ang mga beagle ay natampok na rin sa iba't ibang uri ng sining mula pa noong panahon ni Elizabeth sa literatura at mga pintadong larawan at ngayon naman sa mga palabas sa sinehan, sa telebisyon, at sa komiks. Si Snoopy ng komiks na Peanuts ang kinilalang pinakatanyag na Beagle sa buong mundo.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.