Baryable

Sa matematika, ang nagbabago o baryable[tb 1] (Kastila: variable, Ingles: variable) o aligin [1] ay isang halaga na maaaring magbago sa sakop na…

Baryable

Sa matematika, ang nagbabago o baryable[tb 1] (Kastila: variable, Ingles: variable) o aligin [1] ay isang halaga na maaaring magbago sa sakop na problema o hanay ng mga operasyon. Sa kabaligtaran, ang konstante ay isang halaga na hindi nagbabago. Ang mga konsepto ng baryable at konstante ay pundamental sa matematika at mga aplikasyon nito.

Uri

Ang mga variable ay maaaring uriin bilang nakasalalay o malaya. Ang independiyenteng baryable ay itinuturing na mga input sa mga punsiyon at maaaring kumatawan sa anumang halaga. Ang dependiyenteng baryable sa kabilang dako ay mga variable na maaaring magbago ayon sa pagbabago ng ibang halaga sa sistema.

Halimbawa, sa punsiyong kung saan ang punsiyong f ay tumutukoy sa , ang y ang dependiyenteng bariabulo dahil ang halaga ng y ay nakadepende sa magiging halaga ng x. Ang x ay independiyenteng bariabulo sa ekwasyon dahil ito ay hindi nakadepende sa halaga ng y.

Pagpoprograma ng kompyuter

Sa pagpoprograma ng kompyuter, ang bariabulo ay tumutukoy sa isang halaga na kumakatawan sa isang espasyo ng memorya sa kompyuter at ginagamit upang magsilbing lalagyan ng mga halaga na ginagamit sa mga operasyon ng programa.

Talababa

  1. bigkas: /bár·ya·blé/; mula sa Espanyol na variable

Mga sanggunian

  1. Marissa R. Enriquez (2012). English-Tagalog Tagalog-English Dictionary. Amos Books, Inc. p. 423. ISBN 971-0324-24-1.

Tingnan din

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.