Ang Bangui (Pagbigkas sa Pranses: [bɑ̃ɡi]), o Bangî sa Sango, ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Republikang Gitnang-Aprikano. Tinatayan
Bangui | |
|---|---|
Ilog Ubangi (Oubangui) sa dakong labas ng Bangui | |
Mapa ng Republikang Gitnang-Aprikano na pinapakita ang Bangui | |
| Mga koordinado: 4°22′N 18°35′E / 4.367°N 18.583°E | |
| Country | |
| Prepektura | Ombella-M'Poko |
| Pamahalaan | |
| • Alkade | Jean-Barkes Gombe-Kette |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 67 km2 (26 milya kuwadrado) |
| Populasyon (2003) | |
| • Kabuuan | 531,763 |
Ang Bangui (Pagbigkas sa Pranses: [bɑ̃ɡi]), o Bangî sa Sango, ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng Republikang Gitnang-Aprikano. Tinatayang mayroon itong populasyon na 734,350 noong 2012. Itinatag ito bilang isang guwardiyadong lugar ng mga Pranses noong 1889 at pinangalan ang lugar sa lokasyon nito sa hilagang pampang ng Ilog Ubangi; ang Ubangi mismo ay pinangalan mula sa salitang Bobangi para sa lagaslasan na matatagpuan sa tabi ng paninirahan,[1] na palatandaan ng katupasan ng nalalayagang tubig mula sa hilaga ng Brazzaville. Karamihan sa mga taga-Republikang Gitnang-Aprikano ay naninirahan sa kanlurang bahagi ng bansa, sa Bangui at paligid nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.