Balisara

Balisara

Balisara
Pag-uuring siyentipiko edit
Kaharian: Animalia
Pilo: Chordata
Klase: Reptilia
Klase: Aves
Orden: Trogoniformes
Pamilya: Trogonidae
Henero: Harpactes
Espesye:
H. ardens
Pangalang dalawahan
Harpactes ardens
(Temminck, 1826)

Ang balisara[2] (Ingles: Philippine Trogon, Sebwano: Bagoko, Maranao: Magapoy) na may pangalang pag-agham na Harpactes ardens ay isang espesye ng ibon sa pamilyang Trogonidae. Dahil sa balahibo nito at mga kulay, pangunahing kinakabit ito sa mitikong Ibong Adarna nula sa mga tulang epiko. Endemiko ito sa Pilipinas.[3]

Paglalarawan

Kulay itim ang ulo at lalamunan at bughaw ang mukha ng mga lalaki. Kulay kayumanggi naman ang manta at leeg nito habang mapusyaw na kayumanggi ang puwitan na may mapupula-pulang kayumangging buntot. Mapusyaw na kulay abo hanggang kulay rosas ang dibdib, na may isang pulang linya sa dibdib at mas maputlang pula sa ilalim ng dibdib. Mas hindi matindi ang kulay sa mga babae.[4]

Tirahan

Sa subtropikal o mamasa-masang tropikal na kagubatan sa kapatagan o mamasa-masang tropikal na mabundok na kagubatan ang tirahan nila. Karaniwan silang matatagpuan sa kagubatan na nag-iisa o magkapares na nakadapo sa 5 hanggang 10 metro mula sa lupa sa isang madilim na pahingaan sa isang baging o sanga sa mga halamanan.

Pagpaparami

Ginagawa nila ang kanilang pugad sa isang butas ng isang patay na puno, anim na metro ang taas. Tatlo ang dami ng itlog.[5]

Mga sanggunian

  1. BirdLife International (2016). "Harpactes ardens". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2016: e.T22682839A92963343. doi:10.2305/IUCN.UK.2016-3.RLTS.T22682839A92963343.en. Nakuha noong Nobyembre 13, 2021.
  2. Kennedy, Robert; Gonzales, Pedro C.; Dickinson, Edward; Jr, Hector C. Miranda; Fisher, Timothy H. (2000-09-21). A Guide to the Birds of the Philippines (sa wikang Ingles). OUP Oxford. p. 196. ISBN 978-0-19-854668-9.
  3. Limos (2020). This Colorful Bird is the Real-Life Ibong Adarna from Philippine Myth. Esquire. (sa Ingles)
  4. "Philippine Trogon (Harpactes ardens) » Planet of Birds" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 16, 2014. Nakuha noong Agosto 20, 2012.
  5. "Philippine Trogon (Harpactes ardens) » Planet of Birds" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 16, 2014. Nakuha noong Agosto 20, 2012.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.