(na magagamit at ginagamit din para sa wikang Tagalog)
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||

Ang B [malaking anyo] o b [maliit na anyo] (kasalukuyang bigkas: /bi/, dating bigkas: /ba/) ay ang ikalawang titik sa alpabetong Romano o Latino. Ito rin ang pangalawang titik sa lumang abakadang Tagalog[1] at sa makabagong alpabetong Tagalog.
Marahil na nagsimula ang titik B bilang isang piktogramo ng palapag ng isang bahay sa mga hiroglipo ng mga Ehipsiyo o alpabetong Proto-semetiko. Ang sinauna o orihinal na pagbigkas dito sa alpabeto ay /bet/ na nangangahulugang "bahay".
Sa pagmamarka, ito ay ang marka na mataas sa C at mababa sa A.
Sa larangan ng kimika, ginagamit ang malaking titik na B bilang simbolo para sa elementong boron.[2]
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.