Asset

Sa pampinansyal na accounting, ang asset o ari-arian ay isang ekonomikal na yaman. Kahit anong bagay, konkreto man o hindi, na maaaring kontrolin ng isang entid

Asset

Sa pampinansyal na accounting, ang asset o ari-arian ay isang ekonomikal na yaman. Kahit anong bagay, konkreto man o hindi, na maaaring kontrolin ng isang entidad upang lumikha ng positibong ekonomikong halaga ay maituturing na asset. Samakatuwid, ang isang asset ay sumasalamin sa halaga ng pag-aari na maaaring ipalit sa salapi (kahit na ang pera mismo ay itinuturing rin bilang asset).

Itinatala sa balance sheet ng isang kumpanya ang pansalaping halaga ng mga asset nito. Ito ay ang pera at iba pang mga mahahalagang bagay na pag-aari ng isang indibidwal o kompanya. Ang dalawang pangunahing klasipikasyon ng mga asset ay ang konkreto at di-konkretong asset. Ang mga konkretong asset ay mayroon ring mga sub-uri katulad ng pangkasalukuyan at pangmatagalang asset. Kasama sa mga pangkasalukuyang asset ang pera at imbentaryo habang sa pangmatagalan naman ang mga gusali at makinarya.

Ang mga di-konkretong asset ay ang mga hindi pisikal na yaman at karapatang mayroong halaga sapagkat nagbibigay ito ng mga kalamangan sa merkado. Halimbawa nito ang mga karapatang-ari, patente, programang pangkompyuter, at tiwala (goodwill). Bahagi rin nito ang mga pinansyal na asset katulad ng mga bono at sapi.[1]

  1. "IFRS - IAS 38 Intangible Assets". www.ifrs.org. Nakuha noong 2026-03-23.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.