Arko

Ang balantok, arko, balukay, o alakos[1] ay isang bukas na lugar o butas sa isang gusali na nakakurba ang itaas. Maaaring bilog, katulad ng bahagi ng i

Arko
Arko
Huwag itong ikalito sa arka.

Ang balantok, arko, balukay, o alakos[1] ay isang bukas na lugar o butas sa isang gusali na nakakurba ang itaas. Maaaring bilog, katulad ng bahagi ng isang bilog, o patulis, katulad ng dalawang bahagi ng mga bilog na magkatabi. Kalimitang gawa ang balantok ng mga gusali sa maraming maliliit na mga bato, tisa, o bloke ng ladrilyo. Pinipigil ng tinatawag na "susing-bato" ang batong nasa pinakatuktok ng arko ang pagbagsak ng lahat ng iba pang mga batong pang-arko. Nailalagay ang mga arko sa mga pintuan at mga dungawan o bintana.

Maaring kasingkahulugan ng mga arko ang bobeda (o vault sa Ingles), subalit naiiba ang bobeda sa tuloy-tuloy na arko nito[2] na binubuo ang isang bubong. Pinakamaagang lumitaw ang mga arko noong ikalawang milenyo BC sa arkitekturang ladriyo ng Mesopotamia[3] at ang kanilang sistematikong gamit na nagsimula noong mga sinaunang Romano, na ang unang naglapat ng kaparaanang ito sa iba't ibang istraktura.

Mga sanggunian

  1. Gaboy, Luciano L. Arch - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "vault, n. 2." The Century Dictionary and Cyclopedia Dwight Whitney, ed.. vol. 10. New York. 1911. 6707. Imprenta. (sa Ingles)
  3. "Ancient Mesopotamia: Architecture" (sa wikang Ingles). The Oriental Institute of the University of Chicago. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Mayo 2012. Nakuha noong 16 May 2012.

Content Disclaimer

Informasi ini disarikan dari Wikipedia dan disajikan kembali untuk tujuan edukasi. Konten tersedia di bawah lisensi CC BY-SA 3.0. Kami tidak bertanggung jawab atas ketidakakuratan data yang bersumber dari kontribusi publik tersebut.

  1. The information displayed on this website is sourced in part or in whole from Wikipedia and has been adapted for the purpose of restating it. We strive to provide accurate and relevant information, however:
  2. There is no guarantee of absolute accuracy. Wikipedia is an open, collaborative project that can be edited by anyone, so information is subject to change.
  3. It is not intended to constitute professional advice. The content displayed is for informational and educational purposes only. For important decisions (e.g., medical, legal, or financial), please consult a professional.
  4. Content copyright. Wikipedia is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike License (CC BY-SA). This means that content may be reused with appropriate attribution and shared under a similar license.
  5. Responsible use. Any risk arising from the use of information from this website is entirely the responsibility of the user.